C h a p t e r 4

142 34 32
                                    

Alas onse na ng umaga nang ako'y magising.

9 o'clock ang first subject ko. Pero heto ako, nakatulala sa kawalan.

Sa buong pag-aaral ko, ngayon lang ako umabsent ng dalawang sunod na araw pa. And worst, wala akong malubhang sakit. Kahit may fever ako, hindi ako uma-absent.

Ngayon pa lang.

Ah, mali pala.

May sakit ako.

Masakit ang puso. Counted ba 'yon?

Pangalawang araw na mula nang mawala siya sa buhay ko. Ganoon pa rin ang pakiramdam. Parang kagabi lang nangyari ang lahat. Parang yung pagpa-flash back ng mga pangyayari ay kanina lang naganap. Parang isang palabas sa telebisyon na paulit ulit ulit na ipinapalabas.

Tiningnan ko ang phone ko.

Kadalasan, pagkagising ko ay mga messages na mula sa kanya.

Nasanay na akong tawag niya ang gumigising sa akin sa umaga.

Lalo na kapag maaga ang pasok ko... kagaya ngayon, maaga ang pasok ko. Pero...

Wala siyang text o tawag.

Aasa pa ba 'ko?

Wala nang kami.

Wala na.

Bumangon na ako at niligpit ang aking kama. Hinila ko si Teddy mula sa pagkakahiga nito sa tabi ko. Niyakap ko siya na para bang maaalis nito ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Inilagay ko siya sa may sofa sa kaliwang bahagi ng aking kwarto malapit sa pintuan. Nakita ko sa sofa ang ginawa kong card para kay Grant. Monthsary nga pala namin bukas. Ito dapat ang ibibigay ko sa kaniya kasama ang relo na nasa paper bag na kulay pula. Nasa gilid ito ng sofa.

Sinilip ko ang paper bag at inalala ko pa ang araw na binili ko ito.

"Maddy, ito na lang oh! Ang ganda nito!" turo ni Macy sa wrist watch na kulay gold.

"Hayaan mo si Maddy ang pumili para kay Grant!" saway naman ni Shane dito.

"Echusera kasi itong si Mace! Magtingin ka na lang din para sa jowa mo!" singit din ni Trixie na nagtitingin rin sa kabilang estante.

Nakatingin ako sa isa silver na wrist watch sa dulo ng estante. Tag Heuer na Sports Watch ito at sadyang napakaganda ng detalye ng relo. May tachymetre ito sa gilid at may tatlong pihitan sa kanan.

Mukhang magugustuhan niya ito kapag nakita niya.

"Siya nga pala Maddy, hindi ba ay nag-order ka online ng gift para kay Grant?" pagkuway tanong ni Trixie.

"Hindi ko itinuloy dahil malalaman nila Daddy na ginamit ko 'yong savings ko para bumili ng regalo para kay Grant."

"Akala ko ba ay okay na sila?"

"Okay naman na sila, ayaw ko lang na malaman nila na gumastos ako para lang sa monthsary namin."

Pero heto ako, bumibili pa rin naman. Pero gamit na ang allowance na binibigay nila Kuya. Inipon ko ito ng ilang buwan para lang makabili ng ipangreregalo ko sa kanya.

Nakita namin last week ang relo na ito sa department store. Kaya naman binalikan ko ito kinabukasan noong nakita namin para maibigay ko sa kanya sa monthsary namin.

"Paano na itong mga ginawa ko? Hindi man lang umabot sa pagbibigyan." nanlulumo na sambit ko kahit wala akong kausap.

Napasalampak na lang ako sa sahig.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon