C h a p t e r 2 3

72 17 13
                                    

After going home that night, I cried.

May iluluha pa rin pala ako.

Dumiretso na lang ako sa kwarto at hindi na sumabay magdinner sa dalawang kapatid ko.

"Madison Kaylee, kumain ka na." sigaw ni Kuya Malt sa labas ng kwarto ko.

I didn't answer. Patuloy lang ako sa pag-iyak.

Hindi ko kasi alam ang gagawin ko sa mga susunod na araw. Paano kapag sundan niya ako ng sundan?

Natatakot ako na baka sumulpot na lang ito bigla sa school at gumawa na naman ng eksena.

Natatakot ako na maulit 'yong nangyari dati na maging usap-usapan na naman ako sa campus ng dahil sa aming dalawa.

"Princess, open the door. Please." Kuya Maze's pleading.

Ngunit hindi ko ito pinagbubuksan. Nanatili lang akong nakadapa sa kama. Makikita na naman nitong umiiyak ako and worst, Kuya Malt's here. Probably, he will report it to Dad and he will insist the arranged marriage thing again.

"Princess, I am leaving tonight. Please, open the door."

Napabalikwas ako.

What? Aalis ang Kuya ko?

Mas lalo akong natakot sa nalaman ko.

Dali-dali akong tumungo sa pinto at pinagbuksan ito saka bumalik sa kama.

"You're still crying?" pinunasan nito ang pisngi ko.

"Natatakot ako, Kuya. P-paano kung... paano kung magpunta siya sa school at doon na naman manggulo?"

"Pinapahanda ko na sa assistant ko ang security para sa pagpasok mo on Monday." he said.

Sumulyap pa ito sa cellphone nito. Marahil ay naghihintay ito ng update.

"What? No, Kuya!"

"That's the only way I can guarantee your safety while I am not around."

"Hindi ka ba babalik kaagad?"

"I'll be gone for a week."

Mas lalo akong nanlumo.

"I'll take care of her." singit ni Kuya Malt.

Nakasandal ito sa may pintuan.

"Kuya, ayaw ko nang may mga security sa paligid. Mas lalo pang malalaman na may something na naman."

"Okay, Malt's will be in charge."

Hindi na talaga niya talaga tinatawag na Kuya si Kuya Malt. Never heard.

Kuya Maze left for Cebu but Kuya Malt's here for me.

Natatakot pa rin ako.

Hindi na ako sumama sa paghatid kay Kuya Maze sa airport. May bibilhin na bagong property sa Cebu at Bacolod kaya matatagalan ito. I know Kuya Malt's has different business concerns here in Manila, too. Madalas hectic ang schedule niya.

Paano kung puntahan ako ni Grant?

Ngayon pa lang ay hindi na ito tumitigil sa pag-contact sa akin.

Nakailang missed call na rin ito simula noong nakauwi ako.

Tumatawag na naman ito ngayon.

Nagdesisyon na lang akong i-shut down ang cellphone ko.

"Maddy, come on! Open the door!" sigaw ni Kuya Malt sa kabila ng pintuan ko sa kwarto. I am preparing myself to school.

It's already Tuesday.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now