C h a p t e r 6 2

7 1 0
                                    


Ano bang dadalhin kila Gav, bukas?" tanong ni Reed sa aming lahat.


Tapos na ang klase namin, nag-uusap usap na lang tungkol sa party na gaganapin sa condo ni Gavin.


Ang may ari ng bahay ay busy sa kaniyang cellphone.


"Mag-iinom ba tayo bukas o kakain lang?" tanong ni Evan.


"Syempre, mag-iinom." masiglang sagot ni Arkin pero bigla itong binatukan ni Trixie.


"Mukha kang alak e, 'no?"


"Grabe ka naman sa akin!" reklamo ni Arkin rito.


"Seryoso na guys sa mga ito."


"Ako na sa drinks." sabi ni Tristan.


"'Yon, iba ka talaga!" tinapik tapik pa ni Evan ang braso nito.


"Sagot ko na ang pizza." sabi ko naman sa mga ito.


"Miss, pwede bang magdala ng pagkain mula sa resto niyo?" tanong ni Reed.


"Sure! Ano ba'ng gusto mo?" nakangiting sabi ko rito. Nagustuhan talaga nito ang pagkaiin sa resto.


"Kahit ano, Miss. Basta luto doon sa resto!" nagkakamot na sabi nito.


"Mag-usap na lang din sa GC baka may nakalimutan pa na dadalhin or kung ano pang pagkain ang gusto ninyong dalhin." sabi ni Tristan.



Kinagabihan ay kinausap ko si Kuya kung pwede ba akong magpadeliver ng ilang pagkain para sa aming party.


"Sure. Just call Rose, para i-prepare kung anong gusto ninyong food."


"Thank you, Kuya! Ang bait mo talaga." sabi ko rito.


"Huwag ka na mambola, anything for my princess." sabi pa nito.



Maaga akong gumising para pumunta sa resto. Nakakahiya rin kasi na tatawagan ko lang si Miss Rose kaya sinadya ko na itong puntahan.



"No problem, Miss Madison. Ipapadeliver na lang po namin sa Room 1010, ng 11:30 a.m." tugon nito.


"Thank you, Miss. Magkano po lahat?" tanong ko rito.


"Miss, bilin po ni Sir na huwag na po kayong singilin."


"Nako, Miss Rose huwag mong sundin si Kuya. Malulugi ang negosyo!" natatawang sabi ko rito.


Pagkaabot niya sa akin ng resibo ay nag-online banking na lang ako. "Bank trasnfer ko na lang, Miss." sabi ko rito.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now