C h a p t e r 1 0 2

8 1 0
                                    

"Kamusta?" tanong ni Reed pagkalabas namin ng conference room. Masaya ang mga ito na naghihintay sa amin. Tanging ngiti lang ang naisukli ko rito. Hindi pa rin ako makaget-over sa defense.

"Good luck, sissy." beso ni Madison sa dalawa niyang kaibigan na papasok sa loob ng room. Si Macy at Trixie na ang last sa aming lahat.

"Kamusta ang defense?" pangungulit ng mga kaibigan ko kay Madison.

"Well, they seem impressed with the product kahit medyo common." sagot ni Madison sa mga ito.

She's being humble right now. Every panellist inside the conference room was amazed and commended our work. I don't know what happened but it seems like they love our product.

"Nice! Congrats!" bati ng mga kaibigan namin sa amin.

Hinintay naming matapos sila Macy at Trixie dahil may gig rin kami pagkatapos ng defense.

"Grabe! Sobra 'yong kaba ko kanina! Buti na lang talaga, magaling magpaliwanag si Shaney!" pagkukwento ni Reed sa amin.

"E sa lahat naman yata ng gagawin sa klase e lagi kang kinakabahan. Bawasan mo kasi 'yong pagkakape mo!" pang-aasar naman dito ni Evan.

Nagtawanan kaming lahat sa sinabi nito.

"Sana lahat tayo makapasa." sabi ni Shane.

"Papasa tayong lahat. Claim na natin." madamdaming pahayag ni Arkin.

Panigurado, aasarin na naman ito ni Trixie kung nandito lang siya.

"Ano'ng plano niyo sa semestral break?" pagkuwa'y tanong ni Evan.

"Baka mag-hike." sagot ni Evan na busy sa pagce-cellphone.

"Ah. Kasama mo si Sean 'di ba?" tanong ni Reed dito na sinuklian niya ng tango. Niyaya nga ako ni Sean na sumama pero hindi ko hilig ang mga ganoong klase ng activities.

"Gusto niyo bang sumama? May slot pa kami." sambit ni Evan.

Wala namang sumagot sa iba. Mukhang hindi interesado.

"Saang bundok kayo aakyat?" maliban kay Madison.

"Ah, sa Mt. Tapulao, Miss P." sagot ni Evan.

"Ah, sa Zambales."

"Naka-akyat ka na doon, Miss?"

"Hindi pa. Naririnig ko lang."

"Baka gusto mong sumama sa amin magsabi ka lang."

Sinipa ko ang inuupuan nito kaya medyo napaiktad siya.

"Joke lang, ito naman 'di na mabiro e." bawi ni Evan sa pag-aaloko nito kay Madison.

"Hindi naman ako pwede, 'di ba may asthma ako. Magiging pabigat lang ako sa mga kasama." ani Madison.

Masayang lumabas sila Macy at Trixie mula sa conference room.

"Finally! Natapos din!" tila lantang gulay na naupo si Trixie sa bakanteng upuan sa tabi ni Arkin.

"Congrats!" bati ni Arkin rito.

Tila nagkaroon ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Naging awkward bigla mas lalo na nang biglang nanukso si Macy.

"Uyyyy!" kinikilig na usal nito. Sinundan naman ito ng iba naming mga kaibigan.

"Tumigil nga kayo!" asik ni Trixie na sobrang namumula ang mukha.

Naguluhan ako bigla dahil ang alam ko, si Tristan ang gusto nito. Si Arkin na ngayon? Paano? Anong nangyari? Bakit parang hindi ko alam?

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now