C h a p t e r 7 9

7 1 0
                                    

Nang makarating kami sa condo ay tulog pa rin ito. Medyo matraffic kasi sa daan pauwi kaya medyo natagalan rin ang pagbyahe namin.


Sumenyas ako kay Mang Fredie na okay lang na iwanan niya kami dito para makapagpahinga na siya. Itinuro ko pa si Gavin na mahimbing talaga ang tulog.


Tumangu-tango naman ito at marahang lumabas ng sasakyan para hindi magising si Gavin.

Hinayaan ko lang ito na magpahinga muna at sumandal sa akin dahil for sure, hindi na naman ito makakatulog ng maayos mamaya. Maaga pa naman ulit kami bukas para sa third day ng workshop.


Nakatulog itong tangan ang aking kamay at nakaunan sa aking balikat. Yakap nito gamit ang isang throw pillow. Mahimbing ang tulog ngunit hindi humihilik. Tahimik lang itong natutulog sa tabi ko.


Kung isisipin mo kung gaano kami hindi magkasundo noon, pero heto siya ngayon. Clingy... seloso...


Masaya siguro itong maging boyfriend kasi lagi mong makakasama. Well, I'd like to enjoy his presence na ganito kami. Magkaibigan pa rin naman kami, 'yon nga lang, may feelings siya towards me.


If I were to ask about my feelings, masasagot ko rin siguro ang sagot niya last time. "Hindi naman siya mahirap magustuhan." Lalo na kung makikilala siya nang husto. Well, hindi ko pa naman siya ganun kakilala, pero enough para masabi ko na mabait siya at mabuti siyang tao.


Hindi ako makakilos sa pwesto namin dahil baka kapag gumalaw ako ay magising ito. Isang kamay lang ang bukod tanging nagagalaw ko, pero hindi sapat para makapag cellphone ako. Tumatawag si Kuya Maze.


Naka-silent ang phone ko kaya hindi mabubulabog si Gavin. Pagring ulit ng cellphone ko ay sinagot ko na ito.


"Hello, Kuya..." bulong ko.


"Why are you whispering?" he asked.


Oh! Sh*t! Paano ko ba sasabihin na kasama ko si Gavin at natutulog ito.


Hindi ako sumagot.


"I will call you back later."


"Wait, bakit nakita ko na sa lobby si Mang Fredie pero wala ka pa?"


Sana hindi magsalita si Mang Fredie rito. Wala naman akong itinatago, kaya lang masyado kasi silang hyper kapag nakikita nila na sweet kami ni Gavin.


"Nasa car pa po ako. Sige na, Kuya. I'll call you back."


Nasa OPR ang kapatid ko. Ano naman kayang ginagawa nito dito? Kakadaan lang nila kagabi. Wala naman siyang sinabi na pupunta siya or sila.


Baka puntahan ako ni Kuya dito sa parking.


Tumatawag ulit ito pero hindi ko na sinasagot. Kinakabahan ako sa ginagawa ko kahit wala naman akong ginagawang masama. Gusto ko lang naman na makatulog ng maayos si Gavin.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now