C h a p t e r 28

62 10 8
                                    

"Please stay..."

I'm stunned by his words.
My heart beats so loud. Hindi ko alam bakit ako sobrang kinabahan sa paghawak niya sa aking kamay.

Muli itong pumikit ngunit hindi pa rin ako binibitawan.

I found myself sitting on the floor in front of him holding my left hand.

Hinawakan ko ang leeg nito upang i-check kung mataas pa ba ang kaniyang lagnat.

Walang nagbago.

Sobrang init pa rin nito.

Mukhang hindi pa rin umeepekto ang gamot na pinainom ko.

Inayos ko ang pagkakakumot niya gamit ang kabilang kamay ko. Hindi pa rin ito bumibitiw sa pagkakahawak sa akin.

Nakakunot ang noo nito. Siguro ay masakit pa rin ang kanyang ulo.

Pinagmasdan ko ang kamay niyang tangan ang kamay ko. Hindi naman ito sobrang higpit. Kung tutuusin ay maaari kong mahigit ang kamay ko pero may kung ano sa akin na hindi magawang bawiin ang kamay kong tangan nito.

"Gavin, gusto mo bang lumipat na lang sa room mo? Hindi ka maka-stretch diyan sa pwesto mo. Hindi ka rin makakatulog ng maayos."

Tumangu-tango ito.

Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig at inalalayan itong bumangon. Tumigil pa ito ng ilang segundo bago tuluyang tumayo. Nagtungo kami sa kanyang kwarto para mas makapagpahinga siya ng maayos. Muli kong nilagyan ang noo nito ng bimpo.

"It's cold..."

Hinanap ko ang remote ng aircon at hininaan ito saka ko inayos ang kumot niya.

Akmang uupo na ako sa bed side chair ay hinawakan na naman ako nito sa braso upang pigilan.

"Stay here..."

Marahan akong hinila nito na sanhi nang pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Hindi na ako kumontra.

Marahan kong hinaplos ang ulo nito. Sinusuklay ko ang kanyang buhok gamit ang aking kamay. Magaan na pagsabunot sa buhok nito ang sunod kong ginawa. Nakakaginhawa kasi ito kapag may migraine. Ganoon din kasi ang ginagawa sa akin dati ni Grant kapag sumusumpong ang migraine ko.

Kung minsan ay napapakunot ang noo nito, marahil ay sobrang malala ang pag-atake ng migraine niya.

Kapag nakatulog na lang siya saka ako lilipat sa upuan.

Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa paligid ng kaniyang kwarto habang minamasahe ang ulo nito.

Dark colored pa rin ang walls pero hindi naman ito sobrang dilim tignan. Plain lang ang mga dingding. Walang nakasabit bukod sa isang wall clock at painting ng isang mansyon. May TV, at mayroon ding sound system. May tatlong klase ng gitara sa kaliwang bahagi ng kwarto. May study table sa kanan at computer set.

Malawak ang kanyang kwarto. Malawak ang buong condo. I'm wondering kung mag-isa lang ba siya dito?
May isa pang kwarto sa tabi nitong kwarto niya, pero kanina ay nakaopen ang pinto nito. Mas maliit 'yon kumpara dito. Guess room siguro.

Naramdaman ko ang pagbitaw ng kanyang kamay sa akin braso kaya't unti unti na akong umangat mula sa aking pwesto.

Nakatulog rin ito sa wakas. Inabot ko ang thermal scanner at itinapat sa leeg nito.

37.8 degrees celsius.

Inilapit ko na lang ang couch ng bahagya sa kama upang madali ko lang siyang malapitan kung sakaling magising ito.

Hindi ko ineexpect na sasabihin niyang magstay ako.

Hindi kami close. Ni hindi sapat 'yong mga panahong nagkakasama kami sa paggawa ng project para mas maging close kami. Siguro nga ay hindi pa rin siya komportable. Pero at least, hindi na siya suplado.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now