C h a p t e r 4 8

38 4 2
                                    

Nagising ako nang maramdaman ko na mauga na ang van.

Nagsisibaba na pala sila. Pero hindi ako makakilos dahil may mabigat sa ulo ko. Nagka-stiff neck yata ako.

Shit! Oo nga pala!

Nakasandal ako sa balikat ni Gavin.

Si Gavin naman ay nakahilig sa ulo ko ngayon at natutulog rin.

Si Evan, na nasa kabilang gilid nito ay mahimbing rin sa pagkakatulog. Ngunit nagulantang ito nang ginising ito ni Sean sa pamamagitan ng paghampas sa ulo ng hawak nitong scarf.

Nagulat ito sa nangyari kaya paggalaw niya ay nasanggi niya ang braso ni Gavin kaya nagising tuloy ito.

"Opps! Sorry, bruv!" naka-peace sign pa ito. "Si Sean kasi!" habol nito kay Sean ng hampas pero nakaiwas ito.

"Nandito na tayo, ang sarap pa ng mga tulog niyo!" sabi ni Sean at tumakbo na papunta sa 'di kalayuang rest house mula sa pinagtigilan ng van.

"Nandito na tayo, guys! Tara na!" medyo awkward na sabi ni Evan saka lumabas sa pinto. Hindi kasi umimik si Gavin.

Si Gavin pa naman ay masungit kadalasan kapag bagong gising. Kami na lang ang naiwan sa loob ng van, hindi ko magawang madaliin itong kasama ko dahil baka magsungit na naman.

Si Evan at Sean kasi e! Medyo kinakabahan na ako kasi baka magsungit talaga ito, kaso nagulat ako nang gumalaw ito. He touched my head, tila kinapa nito kung nakasandal pa ba ako, kahit obvious naman dahil nakasandal rin siya sa akin. I slowly moved so he could see I'm already awake.

"Did you sleep well?" he asked in his sleepy voice. Mukhang nakatulog ito ng maayos.

"Yeah. Ikaw?" ganting tanong ko rito.

Tumango ito. "I have never slept well on a trip like now," he said. "Thanks for letting me sleep."

Ang totoo, hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

"Let's go?"

Tinanggal nito ang earphones sa tainga niya at inabot sa akin pati ang kanyang cellphone saka ito bumaba. Inalalayan pa ako.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"T-thank you!" 'Yon na lang ang nasambit ko.

When we approach our friends they are already busy.

"Lagay mo ito doon!" maririnig mong utos ni Trixie sa mga kasama namin. Like a boss!

Reed's relatives greeted us and welcomed us. They are very hospitable.

"Kung may kailangan kayo sabihin niyo lang, ha?" sabi pa ng Mommy ni Reed. They also offered the room for us to rest a bit. But all I know is that we will probably stay outside tonight and sleep in the tent.

Pinagmamasdan ko lang silang lahat, hindi ko na kasi alam kung ano pang maitutulong ko sa dami nilang nagsisikilos.

Feeling ko nga hindi na ako makakatulog dahil mula umalis kami ng Manila hanggang sa makarating kami rito e tulog ako. Naupo lang ako habang pinapanood ang mga kaibigan kong aligaga at excited. Gumagawa na ng bonfire sila Arkin katulong si Sean.

Ang ibang boys ay tumutulong na sa pagpasok ng mga gamit namin sa loob ng bahay. Si Gavin, kausap si Tristan. Medyo malayo sila sa akin kaya hindi ko sila naririnig kung anong pinag uusapan nila pero parang seryoso.

Baka pinag-uusapan na nila 'yong mga araw na nawala si Gavin. For sure, magkukwento ito kay Tristan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit sa puntong iyon. Dahil alam ko na hindi naman ito magkukwento sa akin kapag nagtanong ako.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now