C h a p t e r 2

192 38 31
                                    

Mga katok sa pintuan ng kwarto ko ang gumising sa akin. Narinig ko rin ang unti unting pagbubukas ng pintuan. Nagkunwari lang akong tulog.

"Mads, may sakit ka ba?" Tanong ng Kuya ko. Nilagay pa niya ang palad niya sa aking noo kahit nakataklob ako ng unan para malaman kung may lagnat ba ko.

"Umalis ako at nakabalik na rin ng bahay pero ganyan pa rin ang nadatnan ko sa'yo." Pata malisya. Tulog ako. Kailangan kong pangatawanan ito.

Nararamdaman ko na naman ang paghila niya sa kumot ko. Nung una ay nahigpitan ko pa ang paghawak sa kumot upang hindi matanggal sa mukha ko subalit malakas si Kuya. Dina kinaya ng powers ko!

"Mads, ano'ng problema?" Tanong ni Kuya na dumungaw pa sa mukha ko dahil nakatalikod ako sa kinatatayuan niya. "Oh! Bakit namamaga 'yang mata mo?" Hindi pa rin ako umiimik. Nanatili lang akong nakapikit. Ayaw ko munang magsalita ni magkwento dahil alam ko, mag mamarathon na naman ang mga luha ko.

"Hindi ka raw pumasok sabi ni Trixie. Tumawag siya sa'kin kanina. Ano bang problema? Si Grant ba?" Umupo na ito sa aking gilid. Nakapikit pa rin ako. Nakatalikod sa kanya. Kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya. Pero traydor talaga ang aking mga luha.

"Hey! Mads, what's wrong? Nag-away na naman ba kayo?"

Sunud-sunod na iling lamang ang isinagot ko.
"Bakit ka umiiyak? Tell me, what's wrong? Ano na namang ginawa niya?"

"Wala 'to kuya."

"Stop lying. Alam kong may problema. Bumangon ka na. Pag-usapan natin 'yan."

Hindi ako kumilos. Nanatili lang akong nakahiga. Parang hindi ko pa kayang pag-usapan ang mga kaganapan sa buhay ko. Masyado pa itong masakit para ulit-uliting ikwento.

"Mads.. sabihin mo sa akin kung anong ginawa ni Grant sa'yo"

Umiling ako. Umiling ng paulit ulit habang tumutulo ang aking luha.

"Anong nangyari? Hindi ko maintindihan. Anong pinag-awayan niyo?" Tanong nito. Sa kanya kasi talaga ako nagkukwento ng mga nangyayari sa aming dalawa ni Grant. Yung huling matinding away namin ni Grant na nauwi rin sa hiwalayan ay si Kuya Maze lang talaga ang naging sandalan ko.

"Wala na Kuya." Sabi ko at patuloy lang ako sa pag-iyak. Napasubsob na ako sa aking unan. "Wala na... It's over..." sabi ko sa pagitan ng pag-iyak.

Sobra sobra pa rin talaga ang sakit na nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko everytime na maaalala ko ang mga pangyayari kagabi.

"Bakit? Anong pinag-awayan niyo? Ano na namang kalokohan ang ginawa niya, Mads..?" There he goes. He never trusts Grant. Simula nung niloko niya ako 5 years ago.

Umiling ako. Hindi naman talaga iyon ang dahilan. "Next time na ako magkukwento kuya."

Tumahimik si Kuya. Naghiwalay na rin kami noon. Pero nagkabalikan din kami. Pero 'yung ngayon? Hindi ko alam..

"Sino'ng nakipaghiwalay? Ikaw ba?"

Hindi ko siya sinagot. Patuloy lang ang pag-iyak ko.

"Alright. Di na kita pipilitin." Hinawi niya ang mga buhok kong nakaharang sa aking mukha. Pinunasan niya rin ang mga luha kong dumaloy sa aking pisngi.
"Let's go downstairs. Let's have dinner."

"Busog ako Kuya-"

"Anong busog? E hindi ka kumain? Yung iniwan kong pagkain kaninang umaga hindi man lang nagbago ng ayos. Let's go down Madison.." Ma-awtoridad na sabi ng kapatid ko.

Napipilitan naman akong tumayo. Ayaw ko namang magalit pa ito sa akin. Mahirap na..

Nauna na itong bumaba. Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa salamin. Alam ko naman ng wasted ang itsura ko.

"Mads, nakipasabunutan ka ba? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tumawa ito ng bahagya. Hindi ako sumagot kaya nagseryoso ito. "Ano bang nangyari sainyo?"

"I just can't tell you right now, Kuya. Just give me space."

WOW! Sa akin ba talaga nanggaling yon? Kailangan ba talaga ng lahat ng tao ng space? Fvck! Naalala ko na naman.

"Okay. Let's eat this then you can go back to your room."

Kumain na lang kaming dalawa ng hindi nag iimikan. May dala si Kuya na Sushi at Cali Maki. Paborito ko 'to kaya madalas ito ang pasalubong niya. Pero bakit hindi ko maenjoy ang pagkain nito ngayon? Wala talaga akong gana.

Matapos kumain ay iniligpit ko na ang pinagkainan namin ni Kuya at umakyat na ko ulit sa kwarto ko. Buti na lang ay hindi nangulit pa si Kuya..

Good thing about big brothers, they will just let you do your own thing.

Pagpasok sa kwarto ay diretso ako sa bathroom. Maliligo muna ako. Naalala kong hindi pa pala ako nakaliligo. Parang kanina, iniisip ko pa kung paano ko masusurvive ang araw na ito. Ang unang araw na wala ang taong naging parte ng buhay ko sa mahabang panahon.

Nagbihis na ko ng pantulog. Kahit galing lang ako sa pagtulog maghapon. Kinuha ko ang blower at nag umpisang patuyuin ang buhok ko. Nahiga na ako sa aking kama at tumitig sa ceiling ng kwarto. May mga bituinnanakadikit. Inabot ko ang remote at in-off ko na ang ilaw. Nagsilbing ilaw ang mga glow in the dark na stickers na nakadikit sa kisame maging sa dingding ng aking kwarto.

Pinalagyan ko ang kwarto ko ng ganito kagaya ng tanawing nakikita ko sa kwarto ko sa mansyon. May bintana kasi doon na nakaharap sa langit.

Nakakamiss din ang magstar gazing na bihira ko ng nagagawa ngayon.

Simula nung nagcollege ako, kailangan kong lumipat sa condo para mapalapit sa pinapasukan kong university. Kapag gusto kong magstar gaze, sa rooftop na lang kaso, madalas madaming tao, kaya hindi ko masyadong maenjoy. May swimming pool din kasi sa rooftop kaya madalas ay may mga tao sa gabi.

Habang nakatitig sa kawalan ay naalala ko na naman ang pag uusap naming dalawa ni Grant kagabi. Hindi ko pa rin talaga maisip at mahimay sa isip ko kung ano ba ang posibleng dahilan ng lahat ng ito..

Itutulog ko na lang ito..

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon