C h a p t e r 10

170 26 29
                                    

Sumakay na lang ako ng taxi papuntang The Lab.

Medyo malayo rin kasi ito sa condo.

Dati kasi may driver ako. Kaso nagkasakit kasi si Mang Fredie, ayaw ko naman kumuha ng ibang driver kasi mas sanay na ako kay Mang Fredie kaya sabi ko kay Kuya, hintayin ko na lang ang paggaling ni Mang Fredie.

6 months na rin mula nang hindi pumasok si Mang Fredie. Nagkatubig kasi ito sa baga kaya kailangan talaga nito ng mahabang pahinga. Buti na lang din at naagapan dahil hindi na siya kailangang lagyan ng tubo para maalis ang tubig sa kaniyang baga.

Sanay na ko mag-commute ngayon. Kahit minsan nagagalit si Kuya Maze dahil nagbu-bus ako kung minsan. Nakarating nga ako mag-isa sa Tagaytay mag-isa. Isang dahilan kung bakit nagagalit si Kuya noong araw na 'yon.

Gusto ko lang din naman kasi mag-explore. Gusto kong masubukan 'yong mga bagay na hindi ko na-try dati. Naging mas malaya na rin naman ako noong nag-college na ako.

Gusto nila Mommy noon na sa U.S ako mag-aral after my senior year. Kaso, pinili kong manatili dito sa Pilipinas at mag-aral dito.

Ang Collins University ay isang prestisyosong paaralan dito sa Pilipinas. Pinili ko ito dahil based sa pagre-research ko ay mataas ang successful rate ng mga students na naka-graduate dito. Pumasa rin ako sa UP, PUP, RTU at JRU, pero ayaw akong payagan nila Mommy dahil masyado daw maraming estudyante sa mga universities na iyon.

Sa CU, marami ring katulad kong mga anak ng mga naglalakihang kompanya dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Ngunit hindi naman ito exclusive para sa mga anak ng mga businessmen. May mga estiudyante rin na simple lang ang pamumuhay.

Napili ko rin ang school na ito dahil maganda ang community. Walang bias at walang mga bully na students. Hindi basehan ang social status at income ng parents para makipaghalu-bilo sa iba.

"Hello, Trixie." tawag ni Trixie ang nakapagbalik sa akin mula sa pagmumuni muni.

"Nasaan ka na?"

"I think, malapit na ako."

Mabilis lang ang naging biyahe ko.

Pagpasok ko sa The Lab ay hindi na ako nahirapan pang hanapin kung saan nakapwesto ang tatlo. Kausap pa nila si Reed at Tristan. Lumapit na ako sa kanila.

"Hi Maddy!" bati ni Trixie sa akin.

"Hey! Thank you for coming!" bati sa akin ni Tristan.

"Hi!" ganting bati ko rito.

Nagugulat ako sa kanila kung paano sila makisalamuha ngayon. Hindi kami ganito sa school.

May kaniya kaniyang buhay ang mga tao.

"Hi! Ms. President!" si Reed naman ang bumati. "Hope you enjoy our performance tonight."

"Thank you! Thank you for inviting us." medyo awkward kasi first time ko siyang makakausap ng hindi school related topic.

Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin ng casual.

"By the way, this is your first time watching us, right?" tanong ni Tristan.

Nagtaka ako kung paano niya nalaman. "How'd you know?"

"I just know." sagot nito at labis ang ngiti. Labas pa ang dimples.

Gwapo si Tristan. Matangkad, maputi at malalim ang dimples. Matalino rin, dahil kasali siya sa top students ng klase namin.

Mukha nga lang itong chickboy.

Well, ano pa bang aasahan mo sa mga lalake?
Sorry, ang bitter ko sa part na iyon. Well, who am I to judge? Ngayon ko pa lang sila makakasama at makakasalamuha.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon