C h a p t e r 3 7

50 7 0
                                    

Nagising ako sa vibration ng cellphone ko na nakapatong sa bedside table.

Kuya Maze is calling!

Napabalikwas ako at saka lang nagsink in sa akin na wala ako sa kwarto ko.

"No!" anas ko.

I am sure that I am inside Gavin's room right now.

Napabaling ang atensyon ko sa cellphone ko. Sasagutin ko na sana pero biglang nag-end call.

What am I doing in Gavin's room?

All I remember was we were in the living room and we were sorting the questionnaires and... and... I don't know...

Woke up in his bed, but he's not here.

My phone vibrated again.

"Hello, Kuya?"

"Where are you, Madison Kaylee?" bungad nito sa akin.

Parang hindi pa rin maganda ang mood ng kapatid ko.

"I am with Gavin." sagot ko rito. I can't tell the exact location but at least he knew that I'm still with Gavin.

"Anthony went back to where he dropped you off this morning and you're not there."

Oh, shoot! I forgot to text Kuya Anthony!

"Sorry, Kuya hindi ako nakapag-text sa kaniya na umalis kami ni Gavin."

He sighed.

"This is the second time that you're acting like that. I am starting to dislike that guy."

"No, Kuya. It's not his fault." depensa ko rito. "I totally forgot, sobrang pre-occupied lang ako sa lahat." sabi ko rito. Which is true.

"Inform me or Anthony everytime, Princess." he said.

"Opo. Sorry po."

"Go home early."

Then he hung up.

Nakakatakot si Kuya kapag nagagalit. Bihira itong magalit pero kapag nagalit e, hindi talaga natitinag. Baka maparusahan na naman ako kapag hindi ko ito sinunod.

Sana mawala na ang pagka-badtrip nito.

Babangon na sana ako sa pagkakasalampak sa kama nang marahang nagbukas ang pinto at tumambad sa akin si Gavin.

"You're awake now. Have you slept well?" he asked. Naupo pa ito sa gilid ng kama.

Tumangu-tango ako. Bigla akong nahiya rito dahil titig na titig ito sa akin.

"Bakit nandito ako sa kwarto mo?" nakayukong turan ko, hindi ko ito matingnan ng diretso sa mata.

"You'll not be able to sleep well if you're in the living room with all those papers and stuff," he said.

"Tapusin na natin 'yong questionnaire." sabi ko rito.

"I'm done." sagot nito at kumindat pa. "You can sleep again if you want to." he smiled.

"Uy, grabe! Ayos na 'yong tulog ko, parang napakahaba na nga ng naitulog ko dahil natapos mo na 'yong ginagawa natin." napapakamot sa ulong sabi ko rito. "And my brother told me to go home early." I told him.

Tumangu-tango ito.

"He's not in a good mood. Baka ma-grounded na naman."

He then looked at the wall clock and I followed his gaze. It's past 6 in the evening.

"Shocks! Gabi na pala, Gavin!" nataranta ako.

Hindi mo malalaman ang oras sa kwarto ni Gavin kung hindi ka titingin sa orasan. Dahil madilim ang kulay ng paligid. Hindi ko naman napagtuunan ng pansin kaagad ang wall clock.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now