C h a p t e r 8 7

6 1 0
                                    

Nakaidlip na naman ako. Medyo nawawala na ang sakit ng ulo ko. Lumilipas na ang hangover. Bumaba na ako para tingnan kung ano ang pagkain para sa tanghalian dahil lampas alauna na.


Wala pa rin sila Kuya.


Nag-iisip na ako ng pagkakaabalahan ko habang hinihintay ko ang mga kapatid ko. Mahaba pa ang oras para magpahinga. May on going call sa group chat naming magpipinsan pero hindi ako sumasali. Mayroon silang mga plano para ngayong araw panigurado.


Masarap ang ulam na luto ni Yaya Fely. Beef broccoli at saka Citrus Salmon Fillets with Salsa. Masarap magluto si Yaya Fely.


"Pwede po ba ako mag-uwi nito?"


"Oo naman, hija. Nagprepare na rin ako ng maaari mong lutuin at saka 'yong luto na para dinner niyo mamayang gabi." masayang litanya nito.


Ang bait talaga ni Yaya Fely. Kapag umuuwi kami ay marami itong pabaon na kung anu-ano. Sabagay, wala namang ibang kakain dito dahil wala rin naman sila Mommy.


"May mga prutas at gulay akong ipapauwi sa inyo. Ipapasakay ko na lang sa sasakyan ninyo mamaya pagpauwi na kayo."


"Sige po, salamat po."


"Fredie, bakit humahangos ka?" napalingon ako sa kapapasok na si Mang Fredie. Hinihingal ito.


"Hija, nasa may gate 'yong kaibigan mo. Hindi ko talaga maalala ang pangalan ng batang iyon. Garvis ba?"


"Si Gavin po?" natatawang naguguluhan ako rito kay Mang Fredie.


"Ah, oo. Gavin nga." pagkukumpirma nito. "Itinawag ng guard, nasa may gate daw. Ayaw pumasok." sabi nito.


Napakunot ang aking noo. Hindi ko naman alam na dadaan siya rito. Wala naman siyang sinabi kanina. Dali-dali kong tinawagan ang binata.


"Gavin? Nasa gate ka raw? Bakit? Ano'ng mayro'n?" sunud-sunod na tanong ko rito.


Natawa ito. "Sinusundo kita."


Mas lalo akong naguluhan sa sagot nito. "Sinusundo ako?" pag-uulit ko sa sinabi nito. "Hindi ako nagpaalam kay Kuya. Umalis sila at hindi pa bumabalik. Baka mapagalitan na naman ako kapag umalis ako d-"


"I called Kuya Maze and said I would pick you up and he agreed."


"What?" nagulat ako sa sinabi nito. Ganoon lang kasimple? "Sure ka, Gavin? Baka mapagalitan na naman ako." natatakot ako sa mga sinasabi nito.


"Call him so that you will know that what I am saying is true. You know I won't do you any harm."


"Wait. I will call you back." sabi ko rito. "Mang Fredie, pwede pong pakisabi na pumasok na po muna siya. Salamat po." baling ko kay Mang Fredie.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon