C h a p t e r 9 6

9 1 0
                                    

Last night was fun. Anong oras na rin kami naghiwalay kagabi ni Gavin kakalaro ng chess. Sa dami ng beses na naglaro kami parang isang beses lang yata ako nanalo. Napakagaling niya maglaro, tinatanong ko siya kung sumali ba siya sa mga competition pero tinatawanan lang ako nito.


Hindi ko natanong kung magkasabay pala kaming papasok ngayong umaga. Tinawagan ko ito


"Dead battery na naman yata itong si Gavin." sabi ko dahil unattended na naman ang cellphone nito. Nagpasya na akong maligo. Maghihintay naman 'yon sa baba kung magkasabay kaming papasok.

Pagbaba ko sa lobby ay wala si Gavin.


Hindi ba ito papasok?


"Mang Freds, si Gavin po?" busy ito sa pagpupunas ng salamin ng sasakyan.


"Ang akala ko nga ay sabay kayong bababa." sabi nito. "Wala 'yong Audi niya sa baba." sabi nito.



"Nakapagtataka. Wala naman siyang nasabi na maaga siyang aalis."


"Hindi ba nagtext o tumawag?" tanong ni Mang Fredie.


"Wala ho. Unattended po ang phone niya."


Pagdating sa school ay wala pa rin ito. Wala ito madalas nitong pagparkingan ng sasakyan.


"Baka may dinaanan lang kaya wala pa." turan ng matanda.


Iwinawaksi ko ang pag-aalala. Hindi ko gustong mag-isip ng hindi maganda. Maayos kaming naghiwalay kagabi.


Sa SC Office muna ako dumiretso para tanungin si Tristan. Baka pumunta pa ito sa kanila kagabi at hindi na umuwi kaya wala doon ang isang sasakyan nito.


"Hindi siya sumipot kagabi. Actually, we're waiting for him kaso ni anino niya hindi namin nakita."


"Saan naman kaya nagpunta 'yon?" sambit ko.


"Huwag kang mag-aalala, ayos lang 'yon. Baka may dinaanan lang." aniya.


Pinilit kong maging kampante na hindi ko alam kung nasaan si Gavin. Ilang ulit ko pa rin itong tinawagan pero unattended pa rin ang cellphone nito. Ilang ulit na rin akong nagtext na magreply naman ito pero wala pa rin akong natatanggap na sagot.

May nagawa ba ako na hindi nito nagustuhan? May nasabi ba ako na hindi maganda? Wala akong maalala. Ang alam ko lang, okay kami kagabi.


Walang gabi na pumasok sa first period. Absent ito.


"Maddy, ayos ka lang?" tanong ni Trixie sa akin pagkabalik nito galing sa cafeteria.


"Ayos lang naman." sabi ko.


"Nakatulala ka kasi. Anong iniisip mo?"

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now