You're My Enemy [Prologue + Copyright]

1.3K 36 21
                                    

"Kuya...." halos maggive-up na si Charlise habang binubuhat ang basket na puno ng mga gulay na pinamalengke nila. Kanina niya pa gustong umuwi kaso may gusto pang puntahan ang kuya niyang parang hindi napapagod. Kaya ngayon, iika-ika siya.



"Teka wait lang, konting tiis na lang tapos mapipisa na 'yung itlog ng manok, hahahaha!" tinuro ni Charles ang itlog na binili nila pero seryoso lang si Charlise at hindi tumatawa at nagmukha lang itong baliw na tumatawa mag-isa kaya nanahimik na lang siya. "Teka lang kapatid, alam mo namang mahal mo si Kuya diba?"



Nahampas na lang niya ang kuya niya, "Heh! Kanina mo pa sinasabi 'yan! Hindi na nga kita mahal! Inaabuso mo ang nakababata mong kapatid! Tingnan mo 'tong dala kong basket?! Can you please have mercy on me?! Ang bigat kaya! Eh buti ka nga malakas ka pa kasi lalaki ka ta's matanda!"



"Okay—okay! Huwag nang magalit little sissy. At saka kung maka-matanda ka akala mo hindi ka rin matanda, ha. Isang taon lang ang agwat natin, tandaan mo 'yan, Charlise," pagpapayo niya pa na parang magulang kaya mas lalong nainis ang kapatid at napatili na.



"Arrgghh! Kuya naman! Maglilinis pa ako ng kwarto mamaya! Tapos magluluto pa! Saan ka pa kasi bibili?! Dalian mo na oh! Ang init-init! Kaasar!" Nakatali na nga ang buhok niya pero naiinitian pa rin siya kasi summer. Gustung-gusto niya na ngang ihampas ang mga basket na puno ng mga pinamili nila sa kuya niyang walang pake kahit nahihirapan na siya. Minsan nga naisip niya kung bakit hindi na lang siya ang naging panganay para siya lagi ang nasusunod at nagpapasunod sa mga kapatid niya. Pero wala eh, pangalawa lang sa panganay. Hindi niya tuloy maibato sa kuya niya 'yung mga itlog kasi baka malagot siya mamaya dito.



"Chill lang, little sissy. Excited ka masyado, tulog pa mga kapatid natin. You know, masipag kasi tayo kaya ang agad nating namalengke. Hahahaha!" Mas lalo pa siyang nainis kay Charles sa tawa nito. Kanina pa kasi siya mistulang may hinahanap kaya paikot-ikot lang sila. Tapos na nga silang mamili pero may gusto raw tingnan si Charles kaya kahit gustung-gusto na ni Charlise na umuwi at iwan siya ay hindi niya magawa dahil nasa kuya niya ang pamasahe nila. Sila lang kasing mga panganay na anak ang pinamalengke dahil nag-aalaga at nagbabantay ng mga nakababata nilang kapatid ang feeling bagets nilang momma.



"Bakit kasi ang aga-aga mong nanggising?!"



"Anong gusto mo mamayang gabi tayo mamalengke?" parang wala lang sa kanya ang init. Palibhasa masyadong matangkad kaya nasanay na sa mas malapit na sikat ng araw. "Kapag gabi mamalengke mga bangus na ang paninda diyan hindi na gulay! Lanta na ang mga 'yun! Ano na namang ipapa-almusal mo sa amin? 'Yung panis na hotdog at expired na tocino? Eh wag na."



"Wala naman akong sinabing—-"



"Stop! Manahimik ka na," pagpipigil ni Charles kaya kahit dismayado ay buwisit na buwisit pa ring nagdabog si Charlise.



"Bakit ba kasi tayo umiikot ha?!"

You're My EnemyWhere stories live. Discover now