Chapter 31, part 2 : Seasons of changes

946 110 28
                                    


Madaling-araw.

Tahimik.

Ni kuliglig ay hindi mauulinigan.

Nahihimbing na noon ang lahat.

Nakapatay ang ilaw sa bawat cell sa kulungan ng mga hunter.

Sa hindi mapakiwaring nadarama ni Raymond ay hindi s'ya makatulog. Nababalisa s'ya. May kung anong bumabagabag sa kanya.

Napabalikwas s'ya mula sa pagkakahiga nang may maramdaman s'ya sa paligid. Ang unang pumasok sa isip n'ya ay ang tingnan kung ang kuya n'ya lang bang si Roger ang kumaluskos sa kadiliman. Kung pinagtritripan lang ba s'ya nito.

Sa paglapit ni Raymond sa kapatid ay nakumpirma n'yang mahimbing itong natutulog. Minarapat n'ya ng hindi gisingin ang kapatid.

Muli, hinanap ni Raymond ang nagdudulot nang pagkabagabag. Inikot n'ya ang bawat sulok ng cell. Sa sahig, sa lahat ng sulok ng pader. Wala s'yang nakita.

Hanggang sa napatingala s'ya sa kisame. Doon may napansin s'yang kakaiba. May kung anong nakalutang sa tapat ng kisame. Sigurado s'yang hindi yaon agiw. Sa sobrang boring kasi ng jail life, nagawa na ring manitig ni Raymond sa kisame habang nakahiga. Pilit inaninag ni Raymond ang nakalutang na bagay. Sinipat n'ya itong mabuti.

Napamulagat s'ya sa napagtanto.

Nginitian s'ya ng isang fragmented na bulto ng isang taong kulay itim.

Masyadong mabilis ang pangyayari. Sa isang iglap nag-transform ang isang fragmented shape of a human sa may kisame.

Nasa harapan n'ya na yun. Nginitian s'yang muli nito.

"Ikaw?!" May diing sabi ni Raymond sa taong kaharap.

"Ako nga." Sagot ng bulto na naging tao.

Pagalit na sana n'yang ibubulalas ang ngalan nito nang may kung anong pwersa ang pumigil sa kanyang mga labi upang gumalaw.

Sa sumunod na mga sandali ay maging ang kanyang buong katawan ay naparalisa. Tila may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan dito.

Pilit nililingon ni Raymond ang ulo sa direksyon ng kapatid. Nais humingi ng saklolo. Ngunit, his effort was proven to be futile.

"Don't bother. Hindi mo magagalaw ang ulo mo. It is one of my powers. And I am way stronger than you." May ngiting tagumpay na turan ng misteryosong presensya sa rank S hunter.

"At isa pa, those bracelets, they totally nullifies your powers while wearing it." Sabi pa nito.

Kung hindi lang dahil sa mga bracelet na ito. Makikita mo ang hinahanap mo. Inis na sabi ni Raymond sa isipan.

"For old times sake, let's make this as painless as much as possible." Nanlaki ang mga ni Raymond sa indirektang tinuran ng kaharap.

Na-realize ni Raymond ang balak ng kaharap. He is here for his life.

A shadow appeared out of the mysterious person's body.

"I'm eyeing that skill of yours for a long time now." Dinilaan ng misteryosong presensya ang kanyang itaas na labi na para bang s'ya ay natatakam.

Anong ibig n'yang sabihin? Iyan ang huling tanong na hindi na mabibigyan pa ng kasagutan para kay Raymond.

Binalot si Raymond ng anino. Naramdaman n'ya ang unti-unting paghigpit ng kapit sa katawan n'ya ng anino.

He felt suffocated. He felt energy leaving out of his body. Kaya naman buong lakas na nagpupumiglas si Raymond Dominguez.

...

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now