Chapter 22, part 2 : Falling for a sneak attack

814 93 11
                                    

"Abot mo sa'kin ang philip screw driver." Utos ng ama ni Clyde.

Kasalukuyang gumagawa ng motor ang ama ni Clyde. Nakaparada ang motor sa tapat ng bahay nila sa eskinita ng compound.

Sa tabi ng magulang ay si Clyde na nagsisilbing helper.

Sa may bungad ng compound, nagkukumpulan na ang mga tiyahin ni Clyde. Sapagkat padapit-hapon na nakatapos na ang mga babae sa kanilang gawain. Oras na naman ng kanilang syesta.

Nag-uumpisa na naman silang magkwentuhan. At walang ideya si Clyde kung kaninong buhay na naman ang pinagpyepyestahan ng mga tsismosang kapitbahay.

"Sabi ko abot mo 'yung philip screw driver." Naiinis ng sabi ng ama ni Clyde.

Dahil doon bumalik sa ulirat n'ya si Clyde na noon ay labing-isang taong gulang.

Inabot n'ya ang gamit sa ama.

"Clyde kunin mo 'yung flashlight sa bahay. Tanglawan mo ginagawa ko."

Pagbalik ni Clyde ay sinunod n'ya ang utos ng ama.

Maya-maya pa nangangalay na ang kamay ng ating bida.

Nag-umpisa ng lumikot ang ilaw na nakatutok sa motor.

"Itutok mo rito, o. Rito." Nangigigil na turo ng ama n'ya. Tumataas na ang boses nito.

Napansin din ni Clyde na nawala ang tawanan ng mga kapitbahay n'yang tsismosa sa sigaw ng kanyang ama.

"Ayusin mo ang hawak mo. Masakit sa mata. Mas lalo mong 'di aayusin lalo tayong magtatagal. Gagabihin tayo n'yan." Nanggagalaiting dagdag pa nito.

Kahit ngalay na ngalay na tinutok pa rin n'ya ang hawak na flashlight.

Paano ka naman hindi gagabihin, e anong oras ka na nag-uumpisang gumawa. Kasalanan ko pa ba 'yon? Sagot ni Clyde sa ama sa isipan. Syempre wala s'yang lakas ng loob na sagutin ito dahil malamang palo na naman ang abutin.

"Mahina ka bang umintindi? Ayusin mo sabi." Sabi ng ama ni Clyde sabay batok sa kanya.

Pilit sinupress ni Clyde ang galit. Alam n'yang hindi 'yon makakabuti. Tinuloy n'ya na lang ang ginagawa.

Sa loob-loob n'ya nahihiya s'ya. Malamang sa malamang ay pagtsismisan na naman silang mag-ama ng mga kamag-anak na tsismosa.

Nalulungkot man dahil pagod na sa eskwelahan sa pag-aaral at pagkaka-bully na inaabot sa eskwelahan, pati ba naman sa bahay ay kahihiyan na naman ang inaabot.

Sadya kasing mahina sa mga praktikal na bagay at gawain si Clyde. Tapos nandiyan pa ang pamamahiya ng ama sa harap ng kanilang mga caha de orong mga kamag-anak.

Magaling man sa paggawa ng mga bagay-bagay, maikli ang pisi nito lalo pa kapag nakakakita ng mali. Pagkakamali man ni Clyde o pagkakamali man mismo ng ama.

Kapag pinagsama ang pagkabugnutin ng ama at ang pagiging slow ni Clyde sa mga gawain, isang natural disaster ang naghihintay sa kanya.

"Ang tanga mo naman!" Sigaw ng ama ni Clyde habang pinagmamasdan ang ginagawa nito.

Sobrang nangangalay na si Clyde sa pagtutok ng flashlight sa ginagawa ng ama sa motor. Pawis na pawis na at nanginginig ang matabang si Clyde sa pagod at pagkakapahiya.

Hanggang sa dumating ang ina ni Clyde mula sa eskwelahan.

"Ano na namang problema?" Kunot-noong tanong ni Clyde.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now