Chapter 34, part 2 : Serving justice, Retribution and Mart's secret!

618 72 3
                                    

Umaalingasaw ang sangsang ng pinaghalong lansa ng dugo at ihi sa kulob na hall. Nandyan din ang nakasusulasok na amoy ng dumi dahil sa torture.

Naglakad lang sila nang naglakad hanggang marating nila ang lugar kung nasaan ang karamihan.

Huminto ang dalawa.

Tumpok-tumpok ang mga taong naratnan nila. Pawang nanonood ng isa na namang kabrutalan.

Nakita nila ang isang naghuhumiyaw na halimaw?

Nakisiksik sila sa karamihan upang makarating sila sa unahan. Ngayon ay mas napapanood na nila ng maayos ang kaganapan.

Habang pinanonood nila ang kasiyahan ay meron silang pamilyar na namataan. Nilapitan nila s'ya.

"Boss Smasher kamusta ka?" Nakangising turan ng mapaglarong myembro ng Retribution.

Lumingon ang tinatawag na Smasher sa direksyon ng boses. Bahagyang tinagilid nito ang ulo at tinanguan sila bilang pag-acknowledge ng presensya nila.

Hindi naman inalintana ng mapaglarong myembro ang malamig na pakikitungo sa kanya nito. Alam n'yang ganun lang talaga ang ugali ng kausap.

Sisipol-sipol n'yang nilapitan si Smasher.

"Anong kasalanan ng isang 'yan, bossing?" Ipinilig n'ya ang ulo sa direksyon ng taong binalatang buhay ng isa nilang kasama.

"Rape!" Tipid ngunit may diin nitong sagot.

"Oh! Serves him right, I guess?" Pinagkibit-balikat ng mapaglarong myembro ang natuklasan patungkol sa halimaw na binalatan ng buhay na nasa harapan nila.

"Patayin 'yang hayop na 'yan!" Galit na sabi ng isang tao sa kumpulan.

"Patayin! Patayin! Patayin!"

Dumagundong sa galit na pagdamba ng mga nakikipagkumpulang myembro ng Retribution ang lugar. Pulam-pula ang mga mata nila sa galit at kasiyahan.

Napasinghap ang lahat nang buhusan ng kung anong likido ang pinarurusahang rapist.

"Tulong! Tulong!" Pagmamakaawa ng binalatan ng buhay na rapist.

Desperado itong humingi ng tulong sa mga nagsasayang manunood sa pasakit n'yang inaabot. Napagtanto n'ya kasi ang balak sa kanya ng tumotorture sa kanya. Binuhusan s'ya nito ng kumukulong mantika.

"Pagliyabin!" Ungos ng isa sa mga manunood.

"Tama! Sunugin!" Hindi naman nagpahuli ang iba. Sumigaw sila nang pagsuporta sa nagbigay sa kanila ng ideya. Siyang-siya ang lahat sa matinding pagkaka-torture sa susunuging rapist.

Sunod s'yang sinabuyan ng sangkaterbang harina. At 'di nagtagal ay nangyari na nga ang ikinatatakot ng walangyang rapist. Nanlaki ang mata n'ya nang makita ang paulit-ulit na paglalaro ng torturer n'ya sa hawak nitong lighter.

Sindi! Patay! Sindi! Patay!

Grabeng anxiety lang ang nadama n'ya sa paglalarong 'yon sa lighter.

"Huwag please! Huwaaa--grhhh!" Tumatabko nitong attempt patakas.

Naghihiyaw ang rapist sa sakit. Gumulong rin ito sa pag-aattempt para patayin ang apoy na bumabalot sa kanyang katawan. Gulong ito nang gulong upang iligtas ang sarili.

Sobrang sakit! Sabi ng rapist sa isipan n'ya. Wala itong lakas para magreklamo sa nadaranasang sobrang sakit vocally.

Sa sobrang desperasyon ay nagbunga ang paggulong n'ya. Naging determinado s'ya sa paggulong.

Nang makita ng torturer ang pag-asa sa mata ng rapist, parang baliw s'yang tumawa. Sinadya n'yang lagyan ng harina ang rapist para magkatyansang maapula nito ang pagliliyab. Gusto munang makitaan ng huwad na pag-asa ng torturer sa mga mata ng rapist. Masasabi ng torturer na na-satisfy s'ya sa ginawa.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now