5th Holymancer general : Alexander

1.3K 144 48
                                    

Author's note : Naganap ang istoryang ito kinabukasan, matapos ang araw ng pagkagapi nina Alexander at mga kasama n'ya sa kamay ni Clyde at kanyang summons.

...

Inangat ni Alexander ang kamay upang awatin ang mga tagasunod n'ya sa pagsugod kay Mark.

Kahit s'ya ay kumulo ang dugo sa pang-iinsulto sa kanila ng tao.

Aso? Anong problema sa'min ng taong ito? Tanong ng nagpipigil sa galit at naguguluhang true alpha.

Bilang pinuno ng mga taong-lobo ay responsibilidad n'ya ang kapakanan nila.

Hindi s'ya maaaring magpapadalos-dalos sa kanyang mga desisyon at aksyon.

Lalo na ngayong pumasailalim na sila ng kanilang master na si Clyde, ang makapangyarihang Holymancer.

Sa palagay ni Alexander, mas makabubuting makitungo sila ng maganda sa mga nauna sa kanilang summons.

Hindi naman n'ya maaaring gulpihin na lang si Mark gaya ng malaya n'yang nagagawa nang s'ya ay hindi pa ang pinuno.

Nakakainis. Nakakamiss ang kabataan ko. Hindi ko kailangan intindihin ang kahihinatnan ng aking padalos-dalos na aksyon. Dahil noon ang alpha namin ang palaging lumulutas sa nagiging resulta ng pagwawala ko. Kung nagkataon naturuan ko na ng leksyon ang isang ito.

Tinanaw na lang ni Alexander ang papaalis ng si Mark. Napansin ng true alpha ang hinanahik sa mata nito matapos makita ang subuang ginawa ng dalawa n'yang nasasakupan.

Siguro ay may naalala s'yang hindi maganda sa kanila kaya s'ya nagwala? Pero hindi pa rin naman 'yon dahilan upang idamay mo ang iba sa problema mo. Ani ng nakapansing true alpha sa emosyon ng marksman ng grupo.

"Ako na ang humihingi ng paumanhin sa hindi magandang inasta ni Mark." Turan ng lumapit na diwata sa grupo ng mga taong-lobo.

Bilang lider, s'ya ang representatibo nila kaya naman s'ya ang sumagot dito.

"Hayaan mo na binibining Maria. Mukhang may problema s'ya. Sana lang ay hindi n'ya na ulitin ang kabarumbaduhang ipinakita n'ya sa aming mga taong-lobo." Nakangiti at kalmadong tugon ni Alexander.

"Binibigay ko na sa'yo ang garantiyang hindi na ito muli pang magaganap. Panghawakan mo ang mga salita ko." Pagbibitaw ng pangako ng diwata sa pinuno ng mga taong-lobo.

"Aasahan ko 'yan." Tugon ni Alexander.

"Tara! Ipagpatuloy natin ang naantalang kasiyahan mga kasama." Ani Maria.

...

Pagsapit ng kasunod na araw matapos ang piging na espesyal na hinanda sa kanila nina Maria, bumalik sila sa naudlot na aktibidad.

Nasiyahan si Alexander sa nakikita n'ya. Masisipag na gumagawa ang mga tauhan n'ya, mapababae man o lalaki mang taong-lobo.

Niligpit ng mga taong-lobo ang nagkalat na suyak sa palibot ng kanilang teritoryo.

Ang ilan sa kanila ay nagbubuhat ng sagabal na mga batong binunot nila sa lupa.

Binalibag ng mga taong-lobo ang mga bato padausdos pababa mula sa tuktok ng kanilang tinitirahang talampas.

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon