Chapter 31, part 1 : Seasons of changes

764 108 8
                                    

Ring! Ring!

Binunot ni Clyde sa bulsa n'ya ang kanyang phone.

Ring! Ring!

Halos tumalon ang puso n'ya nang makita kung sino ang tumatawag. Ang kaibigang si Angel.

Ring! Ring!

Inalog-alog n'ya ang cellphone sa kamay.

Hindi ito makapag-decide kung sasagutin ba n'ya ang phone o hindi.

Ring! Ring!

Huminga s'yang malalim.

Nag-aalala s'ya na baka emergency kaya ito tumatawag.

Make sense. Madalang na n'yang makatawagan ang babae. Simula pa 'yon nang maging busy sila sa pagiging hunters.

In-accept n'ya ang call.

"Ahem! Ahem!" Habang inaangat n'ya papunta sa tenga n'ya ang phone.

"Hello, Gel!" Pagpapalaki ng boses n'yang sagot.

"What's with that deep, manly voice? Nagpapa-cute ka ba sa'kin?" Pabirong tanong ni Angel sa kanya.

"Hindi, a. Does that make sense to you?" Depensa ni Clyde. Iniba ang timbre ng boses.

Please say.....

Nilagay n'ya ang pointing at middle finger ng kanang kamay sa kwelyo sa may leeg n'ya. Ginalaw ito pakaliwa't-kanan ng paulit-ulit. Tila ba niluluwagan n'ya ang suot na t-shirt. Isang mannerism na na-develop n'ya tuwing...

Nag-isip si Angel sa kabilang linya sumandali.

"No. That's like incest, right? Bro?" Natatawang tugon ni Angel sa tanong ni Clyde.

"Then it's a no. Pero magproprotesta sana ako. Hindi tayo magkapatid. Ang pogi ko kaya. E, ikaw?" Pasikretong napabuntong-hininga si Clyde.

Bahagyang bumagsak ang balikat.

...kinakabahan.

Nakarinig ng singhal si Clyde sa kabilang linya na nagpabunghalit sa kanya.

"Wow! Hiya naman ako sa'yo, d're. Sa ganda kong 'to? Ako pa ang tinakwil mo? Teka! Tinatawanan mo ba ko?" Gigil na tugon nito.

Napailing na lang si Clyde.

"Parang kahapon lang nang ikaw ang madalas kong pinagtitripan. Para kang baby noon, 'di ba bunso?" Pang-iinis ni Angel kay Clyde.

Kumunot ang noo ng Holymancer, kasunod ay pagpalatak.

"That's more like it." Tawa sa kabilang linya ni Angel. Tila isang psychic itong nakikita ang reaksyon ng lalaki kahit pa nasa telepono ang kausap.

"Pero seriously nakakasabay ka na. Hindi ka na inosente." Dagdag pa ng babae.

"Of course. I'm a man too." Makahulugang sagot n'ya.

Holymancer : Unang AklatHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin