Chapter 33, part 2 : Ice and Joshua's brotherhood

428 69 5
                                    

Sinarado ni Ice ang pintuan ng bodega to be safe, just in case na may makaisip na mag-check na sinumang myembro ng sindikato rito.

Nilabas ni Ice at Joshua ang kanilang mga cellphone. Binuksan nila ang ilaw sa kanilang mga phone.

Maingat na naglakad ang dalawa habang tinatanglawan ang madilim na daanan ng bodega.

Palingap-lingap ang dalawa sa bodega. Makipot lamang ang daanan. Sa magkabilang banda ay panay mga pinto ang makikita.

May napansing siwang sa ilalim ng isang pintuan si Joshua. Out of curiosity, dumapa si Joshua sa harapan ng pinto at pilit sinipat kung ano ang meron sa loob nito.

Napaatras at napahiyaw sa pagkagulantang n'ya si Joshua. Biglaan na lang kasing may lumitaw sa siwang ng naturang pintuan.

"Kuya tulungan mo ko."

Pagsusumamo kay Joshua ng isang babae sa kabila ng pinto.

Napabuga nang hangin si Joshua nang mapag-alamang isa lang itong babaeng bihag ng sindikato.

"Huwag ka mag-alala. Tutulungan ka namin. Ice." Pag-assure n'ya sa babae sabay baling ng atensyon n'ya sa kasamahan.

Walang sali-salitang umabante si Ice.

Tumabi si Joshua.

Tumayo sa harap ng pinto si Ice at sinimulang butingtingin ang kandado.
Maya-maya pa ay naibukas na ni Ice ang nakasarang pinto. Agarang tinulak ni Joshua ang pintuan. Tinanglawan nito ang mukha ng babaeng nanghihingi ng saklolo.

Nakita ng magkaibigan ang namumutlang mukha ng babae.

"May nakita ka bang dinalang babae rito kani-kanina lang?" Tanong ni Ice sa babae.

"Hindi, e. Nakakulong lang kaming mga babae rito sa kanya-kanya naming kwarto. Pero kani ay may narinig akong dinala rito." Atentibong tugon ng babae sa katanungan ni Ice... sa takot nitong iwanan s'ya nila dahil hindi s'ya ang sadya ng dalawa.

Tila nabasa naman ni Ice sa tono ng pananalita ng babae ang pangamba.

"Sumunod ka lang sa'min." Sabi ni Ice sa babae.

"Salamat." Tugon sa maliit na boses na ng babae.

Lumabas na ng kwarto ang magkaibigan. Sa likuran nila ay nakasunod ang babae.

Hindi pa man din nakakalayo ang mga ito ay nagkaaberya na.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Joshua sa sinapong babae.

Natumba kasi ang babae.

"Okay lang po ako." Nagpa-panic na tugon nito.

"Hindi ka okay." Pagtatama naman ni Ice sa babae.

"Nanlalata po ako mga kuya." Pahikbing pag-amin sa kanila nito.

"Alalayan mo, Joshua." Utos ni Ice kay Joshua.

Ginawa naman 'yon ni Joshua ng walang pagrereklamo.

Pinagpatuloy nila ang paghahanap kay Fina sa bawat isang kwarto.

Sa ginawang paghahalughog ng magkaibigan sa mga kwarto ay may napansin sila. Bawat isa sa mga babae ay pawang nanlalata.

Hindi na nakapagpigil pa ang dalawa at tinanong nila ang mga ito.

"Anong ginawa sa inyo ng sindikato para manlata kayong lahat?" Naririmarim na tanong nina Ice.

"Pwersahan nila kaming kinukuhanan ng egg cells." Ang unang babaeng tinulungan nila ang sumagot sa katanungan ng dalawa.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now