Chapter 23, part 1 : Ang Nightmare demon at hidden quest

734 76 3
                                    


Lumipas ang mga buwan at tumuntong sa sekondaryang paaralan si Clyde.

Nagkaroon ito ng mga bagong kaibigan. Ngunit tulad ng dati pulos mga lalaki lang ang nagiging kaibigan n'ya. Hindi n'ya matukoy kung bakit. Hindi s'ya sigurado kung ito ba ay dahil sa madalas n'yang panghuhulas? O kung dahil sa tuwing pakikipag-usap n'ya sa mga kaklaseng babae ay unti-unting bumababa ang mata n'ya sa dibdib nila? O maaaring parehas talaga?

Bagamat nagtataka hindi n'ya hahayaang makasagabal ito sa pagkakataon n'yang magkaroon ng mas enjoyable na school life.

Sa pagkakataon ding ito, dahil big deal sa kanya ang grades, natuwa s'ya ng mapansing mas advance ang pinag-aralan n'ya sa elementarya kesa sa mga bagong kamag-aral.

Isang araw, nag-quiz sila Clyde sa isang subject.

Napangisi s'ya nang makitang out of 30 items, isa lang ang mali n'yang sagot.

Otomatikong bumaling ang ulo n'ya sa likuran.

"Renzo! Anong score mo?" Tanong ni Clyde sa kaklase. Isa ito sa mga kaklase n'yang valedictorian sa elementarya.

"27!" Simpleng sagot ng matabang si Renzo.

Bumalahaw ng tawa si Clyde at paulit-ulit na sinabi sa harapan ng kaklase. "Mas mataas ang grades ko sa'yo."

Napansin naman ni Clyde na nagsalubong ang halos magkadugtong na nitong kilay. Kaya naman natahimik si Clyde. Mukhang hindi nagustuhan ng kaklase ang inasta n'ya.

Napakuyom ng kamao si Clyde sa saya. Big deal kay Clyde ang grades. Para sa kanya na mahina sa mga practikal na gawain, ang pagkakaroon ng mataas na grado ang tanging paraan na makakatulong para makaahon s'ya sa kahirapan. Kaya naman very competitive si Clyde sa matatalinong kaeskwela.

Dumating ang recess.

Nakita ni Clyde si Renzo at ang isa pa n'yang kaklase nag-uusap. Nilapitan niya ang dalawa. Balak n'yang ayain ang mga ito sumabay kumain.

Napahinto na lang ang paa n'ya nang marinig n'ya ang pinag-uusapan ng dalawa. Mukhang hindi nila napansin ang paparating na si Clyde.

"Narinig mo ba ang sinabi sa'yo kanina ni Clyde, Renzo?" Tanong ng isa.

"Oo. Ang yabang-yabang ng bugok na 'yon. Nakakairita. Para quiz lang." Inis na sabi ni Renzo sa kaklase.

Umikot si Clyde upang lumayo sa kanila.

Kumuyom ang kamao niya sa gigil.

Kung para sa inyo hindi big deal ang grades, para sa'kin oo. Sagot ni Clyde sa isipan n'ya.

Napailing na lang ang Clyde sa kasalukuyan. Kahit s'ya ay medyo nahiya sa inasta ng batang s'ya.

Nang mas tumanda s'ya na-realize n'ya na hindi grades ang sagot sa nais n'yang makamtan. Alam n'yang resulta iyon ng desperasyon na nararamdaman ng batang s'ya.

...

"Let's give Clyde a round of applause. S'ya ang nakakuha ng highest score sa test sa buong 1st year." Pag-aannounce ni Mr. Abueva. Ang kanilang history teacher.

Abot tenga ang ngiti ni Clyde sa palakpakang natatamasa.

"Hindi ko alam na matalino ka pala, Clyde." Sabi ng kanilang guro na nagpapalakpak ng tenga nito.

"Galing ah!" Bati sa kanya ni Drake, kaklase n'yang anak din ng isang public school teacher sa elementarya. Kaya naman masasabi mong on good terms sila ni Clyde dahil magkakilala ang mga nanay nila.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now