Chapter 30, part 3 : Disbandment of Dark Resurgence

727 108 13
                                    

"K-kahit a-nong gawin mo... hindi mo makukuha ang files na hinahanap mo." Naghahabol-hiningang usal ni Melandro, isa sa limang hitmen ng Dark Resurgence. Ito rin ang huling myembro ng naturang guild.

"Ganun ba?" Amused na turan ni Clyde. Sakal-sakal nito ang matandang si Melandro.

"Tama nga sina tandang Pepe at Freddy. You are way too loyal sa magkapatid. Anong pinakain sa'yo ng dalawang 'yon para magkaganyan ka?"

Sininghalan s'ya ni Melandro.

Freddy! Pepe! Sinasabi ko na nga ba. Hindi kayo rapat pinapasok sa guild. Mabuhay lang ako rito ay ako na mismo ang magpapahirap sa inyo mga traydor. Ani Melandro sa sarili.

"Kung ganun totoo siguro ang sabi ng dalawa na rito ka na raw naninirahan sa guild? Could it be you don't have a family of your own? At itinuturing mo ang dalawa bilang mga anak o apo mo?" Usal ni Clyde. At sigurado s'yang natumbok n'ya ang pakiwari n'ya dahil sa matinding pagkibot ng katawan ni Melandro sa kanyang tinuran.

"Don't expect me to help you. Nagsasayang ka lang ng oras. Just kill me already. Hinding-hindi ko ilalaglag sina Raymond at Roger. As long as walang sapat na ebidensya, magaan lang ang kasong kailangan nilang bunuin sa kulungan." Mapanuyang usal ng loyal na tauhan ng magkapatid na Dominguez. Hindi nitp sinagot ang tanong ni Clyde.

"Tandaan mo rin. Mga rank S hunter ang dalawa. Kahit saan sila mapunta ay makaka-recover at makaka-recover sila. They are useful. Anyone would help them hangga't buhay sila at hindi nawawala ang mga kapangyarihan. Iyan ang mahirap sa inyong mabubuting tao, o mas tamang sabihing mahilig magpakabayani. Hindi n'yo kayang kitilin ang kalabang nais pumatay sa inyo. Dahil doon nababalikan kayong mababait at nawawalan ng mahal sa buhay. Sa huli, kayo ang umuuwing luhaan. Nakakatawa." Tawang-tawang sabi ni Melandro.

"Pinagbabantaan mo ba ako, tanda?" Malamig na tanong ni Clyde.

"Hindi. Nakakatawa lang talaga ang katangahan mo." Ani ng kausap.

"Kung sa tingin mo sapat na ang pagputol sa mga kamay at paa ng magkapatid, d'yan ka nagkakamali. Mas lalo mo lang silang ginalit. Maghanda ka." Banta ni Melandro.

Nabaliling si Melandro sa lakas ng sampal ni Clyde.

Napahigop ng malamig na hangin si Clyde nang ipangsampal n'ya ang kaliwang kamay.

Sa hindi n'ya malamang kadahilanan, kahit na gumaling ang tinarakan ng patalim ng assassin kanina ay pasakit ito ng pasakit.

"Akala mo ba nakikipagbiruan ako sa'yo?" Malamig na sabi ni Clyde.

"They can keep on going back. I welcome them to do so. Tuturuan ko sila ng leksyon nang paulit-ulit." Asik ni Clyde.

"Sino bang nagsabi sa'yong isa akong bayani? Hindi ko lang kayang huminga ng parehong hangin na hinihingahan ng masasamang gaya n'yo. It pisses me off." Nanggagalaiting turan ng Holymancer.

"Alam mo ba na as long as I don't kill you, I don't violate one of the ten commandments." Deklarasyon ni Clyde kay Melandro.

Napahiyaw sa sakit si Melandro sa biglang pagbali nito sa isang binti n'ya.

Sa sobrang lakas ng hiyaw ng matanda ay na-attract nito ang atensyon ng mga staff ng Dark Resurgence.

Sasaglit pa lang na nagaganap ang unang pagbali ay nagsiakyatan na ang mga staff ng guild patungo sa opisina ni Raymond.

Bumukas ang pinto.

"Anong nangyayari, sir Melandro?" Bungad ng isa. Kasunod nito ay isa-isang naglitawan sa pintuan ang mga staff.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now