Chapter 27, part 2 : Ang unique na kapangyarihan, apostle arts!

876 124 26
                                    

Sa panahong busy si Clyde sa pag-train kay Kaiyo sa loob ng dungeon, may dalawang meeting na nagaganap at s'ya ang laman ng agenda.

...

"Lider! Pinatawag n'yo raw ho ako?" Sabi ng isang lalaki sa isa pang lalaki.

Kung nakikita ito ni Clyde, maaalala n'ya ang nagsalitang lalaki. Ito ay kanila lamang n'ya nakasalamuha. Ito ang bantay sa slave market.

"Nabanggit sa akin ng slaver natin na may malaki raw na kliyente kanina." Sabi ng lider ng bantay ng slave market.

Ito ang guild leader ng ordinaryong guild na kung tawagin ay Camelot.

"Opo. Malaki ang kinita natin ngayon. Pinakyaw n'ya ang lahat ng alipin. May pagkawirdo nga lang s'ya. Pinakawalan n'ya ang karamihan sa mga alipin."

"Wirdo nga." Ani ng guild leader ng Camelot.

"Hindi lang 'yon lider. Itinanong n'ya rin sa'kin kung kilala ko raw ba si tagapukpok at tarantula."

"Ano?" Gulat na tanong ng lider sa tauhan n'ya.

"Tinanong n'ya po kung kilala ko si tagapukpok at tarantula. Di po ba sila ang mga founding members ng guild natin?"

"Namukhaan mo ba ang kliyenteng 'yon?" Bakas ang mukha nito ang impatience.

"Hindi po lider. Balot na balot po ang mukha n'ya."

"Sige. Makakaalis ka na." Walang-ganang utos ng lider sa tauhan n'ya.

Dali-daling lumabas ang tauhan dahil mukhang wala sa mood ang lider n'ya.

Paglabas ng bantay sa slave market, dinukot ng lider ng Camelot ang cellphone n'ya.

Dinialan n'ya ito.

"Sir smasher, meron pong nagbanggit ng pangalan n'yo sa isa sa mga kliyente namin kanina." Magalang na sabi ng lider ng Camelot sa nasa kabilang-linya.

Sa gabing 'yon, naalerto at naging aware ang Camelot at maging ang misteryosong si smasher o tagapukpok sa existence n'ya bilang misteryosong hunter.

...

"Nandito na ba ang lahat?" Seryosong tanong ni Raymond kay Melandro.

"Oo." Ani ng isa sa limang top hitmen ng guild.

Sa meeting room ng Dark Resurgence ay nagsimula ang isang pulong na maaaring magdikta sa kapalaran nila.

Iilan na lamang ang mga miyembrong natitira sa pulong. Sila ang loyal members ng number one guild sa Bulacan.

Nakaupo roon ang dalawa pa sa natitirang miyembro ng five best hitmen ng Dark Resurgence.

Sina Freddy at Felipe "Pepe" Smith.

Nakalayo sa kanila ang ibang myembro ng guild. Iyon ay sa takot na mahawahan sila ng kawirduhan ng dalawa.

Ang dalawa ay may edad na. Ayon sa kasabihan ng iba ang kanilang pormahan ay pormahang tatay.

Si Freddy ay may makinang at mahabang itim na buhok na abot hanggang balikat. Palagi siyang may suot na pulang scarf sa kanyang ulo na tumatabing sa kanyang noo. Palaging makulay ang suot nitong mga damit. Hindi pa s'ya nakuntento. Naka-tuckin pa ang kanyang pang-itaas. Huwag ding kalilimutang maliit s'yang lalaki. Dahil doon laging may takong ang suot-suot n'yang sapatos.

Si Felipe o mas kilala sa tawag na Pepe ay isang Half American. Matangkad at maputi ang lalaking may humpak na pisngi. Hugis manga ang kanyang mukha. Maputi na rin ang buhok nitong abot hanggang bewang. Nakasuot ito ng itim na eyeliner. Ang kanyang pananamit ay panay itim na gawa sa leather.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now