Chapter 26, part 1 : Cultivation

715 121 9
                                    

Sa bungad palang ng lupaing sakahan ni Clyde ay narinig n'ya ng ang maingay na tunog ng isang makina.

Nagulat s'ya sapagkat kakaputok pa lang ng bukang-liwayway. Masyado pang maaga.

Nang hanapin at marating n'ya ang pinangagagalingan ng tunog ay napagtanto n'ya kung ano iyon.

Isang traktorang pang-araro. Sa loob noon ay nakasakay ang alipin, ang unang apostol na si Kaiyo.

Napangiti si Clyde. Kasi naman, kahit na hindi n'ya nababantayan ay sinunod pa rin nito ang iniutos n'ya. Ang ihanda ang lupa para masimulan na ang hanapbuhay. Para magamit na ito sa pagtatanim ng palay.

Huminto ang pag-andar ng traktora nang mapansin ni Kaiyo ang hindi inaasahang pagdating ni Clyde.

"Master." Excited na bungad nito sa kanya.

Ang unang apostol ay nakasuot ng isang overalls. Ang panloob n'ya ay isang pulang cotton long sleeves.

"Magandang araw Kaiyo. And thank you for working hard." Puri ni Clyde kay Kaiyo.

Sinserong sumasaludo si Clyde sa dedikasyon ni Kaiyo sa kanyang trabaho.

"Naku! Hindi n'yo na po kailangan magpasalamat sa'kin master. Sa katunayan ako pa nga ang dapat magpasalamat sa'yo. Iniligtas mo ang wala ng pag-asang buhay ko. Obligasyon kong bayaran ang utang na loob ko sa inyo sa pamamagitan ng maliliit na bagay. Gaya nito." Matatas na paliwanag ni Kaiyo na nagpamangha kay Clyde.

Sa huling pagkikita nila, hindi pa ganoon katatas sa pananagalog si Kaiyo. Naging matatas lang s'ya simula nang bigyan s'ya ng kapangyarihan ng system. Nang maging isa s'yang ganan na apostol.

"Master, sumunod po kayo sa'kin." Excited na pagkayag nito kay Clyde.

Dinala s'ya sa kanyang simpleng bahay sa lupain ni Kaiyo.

Sa gilid noon ay may nakitang bagong nakatirik na bahay si Clyde?

"Bahay? Hindi! Wala itong mga bintana." Bulong ni Clyde.

"Nagustuhan n'yo po ba master?" Excited na tanong ng alipin, ang unang apostol, kay Clyde.

"Hindi ako sigurado kung ano ito, Kaiyo. Maaari mo bang bigyang-linaw kung ano ang bagay na ito?" Ani Clyde.

"Pasensya na po, master. Masyado po akong na-excite na ipagmalaki sa'yo ang warehouse." Pagyukod ng babae kay Clyde.

"Naku wala kang dapat ipagpaumanhin. Wala lang talaga akong ideya kung ano ang bagay na ito. Salamat sa paglilinaw. Masaya ako at nagtayo ka ng warehouse. Natutuwa ako kapag preparado ang mga tao sa paligid ko. You did a good job." Puri ni Clyde kay Kaiyo.

"Salamat naman at nagustuhan n'yo, master." Nakahingang-maluwag na turan ni Kaiyo sa reassurance na ginawa ni Clyde.

"Ako pa nga ang dapat magpasalamat. Pinadadali mo ang business na itinayo ko. Hindi na natin kailangan problemahin kung saan ilalagay ang mga aanihin sa hinaharap. Hindi ko na kailangan mangamba sa business dahil nandyan ka. It's reassuring having a competent manager like you. Thank you Kaiyo." Ani Clyde habang nakatingin sa kulay asul na konkretong warehouse.

"Walang anuman po master." Masayang tugon ni Kaiyo. Agaran itong naging good mood sa papuring natanggap n'ya mula sa kanyang master.

Naglakad sila pabalik sa bukirin.

"Isang linggo ko tinapos gawin ang warehouse na 'yon." Kwento ni Kaiyo.

"Kung bihasa lang ako sa paggawa ng warehouse hindi ako aabutin ng isang linggo." Dagdag pa n'ya.

"Matulin na ang isang linggo. Nakakamangha ka nga, e." Si Clyde.

Kunot-noong napahinto si Kaiyo.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now