Chapter 26, part 2 : Cultivation

686 118 7
                                    

"Ikaw munang bahala sa mga trabahador, Kaiyo. Aalis muna ako."

"Huwag kang mag-alala master. Akong bahala sa kanila."

...

Sinuot ni Clyde ang kanyang usual getup sa tuwing itinatago n'ya ang kanyang pagkakakilanlan.

Suot n'ya ang black and red checked, cotton hooded jacket. Nakatago rin ang mukha n'ya sa loob ng itim ng facemask.

Kasalukuyan s'yang nasa Plaza Conception, sa Athletic Park sa Palayan City.

Dito unang nagkita sina Clyde at ang broken na si Kurt noon.

Kinuha ni Clyde ang kanyang phone.

"Kurt." Bungad ni Clyde sa pagsagot ng broker sa kabilang linya.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, sir?" Attentive na tugon ng broker. Nasurpresa ito sa pagtawag sa kanya ng misteryosong hunter.

Nabalitaan ni Kurt ang hindi umano'y naging engkwentro nito sa Dark Resurgence mahigit isang buwan na ang nakakaraan. Sa nabalitaan, mas lalong tumindi ang pagnanasa ng broker na maging malapit sa misteryosong hunter. Gagawin n'ya ang lahat ng ipag-uutos nito kung kinakailangan.

"Sabihin mo sa'kin kung saan nakakabili rito sa Nueva Ecija ng maraming alipin." Gulat na gulat si Kurt sa request ng misteryosong hunter.

Ayon sa mga haka-haka, kaya binabangga ng hunter na kausap n'ya ang Dark Resurgence ay dahil sa masasama nilang gawa. Base roon, masasabing pinipintahan ang hunter bilang isang mabuting hunter. Isang superhero.

"Guess not, e?" Konklusyon ni Kurt sa request ng misteryosong hunter.

"Ano?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"Wala po, sir. Sasamahan ko na lang po kayo. Nasaan po ba kayo?" Tanong ni Kurt.

Wala namang pakialam si Kurt sa mga haka-haka. Wala s'yang pakialam kung mabuti man o masama ang misteryosong hunter. Ang mahalaga lang sa kanya ay sobrang lakas nito. Sa oras na makakapit s'ya rito ay wala ng makakabangga sa kanya.

Kaya naman willing na willing s'yang magpakaalipin dito.

"Nasa rating lugar kung saan tayo nagkita." Ani Clyde.

"Sa Plaza Conception po, sir?"

"Oo."

"Areglado sir. Hintayin n'yo po ako. Saglit lang ay nandyan na ko."

Nagmamadaling iniwan ni Kurt ang kliyenteng kasalukuyan n'yang katipan.

"Sorry, sir. May malaking kliyente akong pupuntahan. Ire-relay na lang kita sa kaibigan kong broker. Pasensya na. I'll give you a free help next time." Hindi matinag na umalis si Kurt kahit halatang inis na sa kanya ang kasalukuyang kliyente.

...

"Nandito na tayo, sir." Anunsyo ni Kurt. Sinulyapan n'ya ang misteryosong hunter sa tabi.

"Dito?" Gulat na tanong ni Clyde sa broker.

Paano ba naman sa isang lumang sementeryo s'ya dinala ni Kurt.

"Oo, sir. Dito nga." Pagkasabi noon ay naglakad si Kurt ng walang pasabi.

Ang salitang sanay bibigkasin ni Clyde ay nabitin sa kanyang dila.

Matapos pumalatak, nilunok na lang n'ya ang naudlot na mga salita.

Walang nagawa ang Holymancer. Tahimik n'yang sinundan ang broker.

Huminto sila sa tapat ng isang sira-sirang musuleo.

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon