Chapter 7, part 3 : Mga pagyanig, stampede at witch hunt

1.5K 129 11
                                    

Holymancers : I decided na tawagin kayong mga readers ko na holymancers. Bakit? Wala lang. I just want to have a unique name for my readers. If you think it is good enough please say so. Kung meron kayong ibang unique name na naiisip, you're free to tell me your suggestions.

Isa pa nga pala holymancers. 😉

Meron akong correction pertaining the skill, divine pull. Prior to this part, nailagay kong may duration ang aggro effect ng skill. Pero sa description ng overpowered crowd control skill na 'to, ang condition to lift the aggro is either the death of the target or the caster. Kung curious kayo kung saang part 'yon, it's on chapter 7, part 1.

I apologize for the inconsistency. Medyo lutang ang author n'yo habang sinusulat 'yon. I'll be doing some serious editing one of these days.

That's all guys.

Enjoy reading!

~~~

Magkasunod na utos ni Clyde. "Divine pull! Let's use everything. Gamitin mo ang Iron heart Alejandro."

Sumugod lahat kay Alejandro ang napakaraming dungeon monsters sa lugar. Lahat ng malalapit na kay Alejandro ay napahinto. Bumanga silang lahat sa isang invisible shield.

"Bouncing soul creepers!" Nagmamadaling pag-atake ni Clyde.

Lumamig ang paligid. Naglabasan ang mga orbs. Inakumpanyahan ito ng mga mababang tunog ng pag-ihip. May pagka-eerie ang kombinasyon ng paglamig ng paligid at ng tunog. Idamay mo na rin ang mga linyang kulay lumot.

"Yes!" Nagbunyi si Clyde.

Sapagkat sa pagkakataong ito, hindi n'ya lang nagawang pinsalain ang mga kalaban. Sa katunayan namatay ang mahigit sampu rito. Lalo na ang bakang may bakal na mga balat. Napaslang din n'ya ang ilang halimaw gaya ng kabayo, baboy at manok.

Masasabing magandang senyales ito para sa kanya. Sa unang paghaharap, ni hindi man lang n'ya nagawang galusan ang mga kalaban. Pero ngayon nagawa n'ya pang paslangin ang ilan dito.

Hindi masisising naging masaya s'ya sa naging resulta. Pero hindi rin 'yon nagtagal. Ginamit n'ya ang earth cage sa ilang pasugod na kalaban sa bandang kanan n'ya. Nang nakulong ang ilang dungeon monster doon ay kasabay ng pagkawala ni Clyde sa pwesto.

Ginamit n'ya ang Conceal.

Gamit ang isang summon, tumalon s'ya sa ibabaw ng earth cage. Sa pag-akyat n'ya rito patuloy itong nayayanig ng pagbangga ng mga pasugod na halimaw kay Alejandro. Bago pa man s'ya makaakyat doon nag-cast na ng isa pang spell ang hunter. Lumuhod s'ya sa ibabaw ng cage habang nakaangat ang isang palad. Makalipas ang isang segundo ay sunod-sunod na dagundong ng kidlat ang tumama sa inasintang lugar ni Clyde. Mahigit kumulang isang daan ang naging uling sa atakeng 'yon.

Tumalon si Clyde. Kasabay noon ay ang pagkasira ng earth cage. Dahil in effect pa ang conceal, mas mabilis s'ya ng sampung beses kesa sa normal. Ginawa n'ya na ang lahat ng kailangan. Nag-replenish ng mana. Binalanse ang sarili sa likod ng isang baka. Ginamit ang lahat ng posibleng skill na hindi nasa cooldown.

Gumamit ulit s'ya ng isa pang earth cage ng matapos ang cooldown. Lumapit s'ya sa direksyon ni Alejandro. Pagkatapos noon ginamit n'ya ulit ang bouncing soul creepers after ten seconds of cooldown.

Sa pagkakataong ito kumpulan na silang umaatake sa Iron heart ng tank. Dahil doon mas marami s'yang napatay kesa sa una.

Habang naghahanda ng pagtalon sa likuran ng isa pang dungeon monster, nakita n'yang nag-crack ang hangin sa tapat ng kanyang tank.

Ano? Huwag mo sabihing masisira ang shield ni Alejandro?

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now