Chapter 21, part 2 : Four alpha's submission

800 109 8
                                    

Nakangising tinaasan ng kilay ni Lillith si Talal. Nainis ang dudungo-dungong alpha sa dalagitang taong-lobo. Kahit na ganoon hindi s'ya nagpa-provoke kay Lillith. Bagamat 'di n'ya pa nakikita kung paano ito makipaglaban may ideya na s'ya sa fighting style ng dalagita. Narinig na n'ya ang mga sabi-sabi kung paano ito lumaban sa mga tagalabas mula sa mga witness na taga ibang pangkat.

"Magdikit-dikit kayo." Sigaw na utos ni Talal sa mga tauhan.

Nais ni Talal i-cover ng bawat isang miyembro ng pack n'ya ang isa't-isa. Kilala kasi si Lillith dahil sa kanyang mabilis na pagkilos at mga pag-atake pangalawa lamang kay Alexander na pinuno ng dalagita. Sa oras na makapasok ito sa hanay ng isang grupo ay naghahasik ito ng kaguluhan. Ngunit may isang bagay pa s'yang alam patungkol sa cute na dalagitang taong-lobo.

Ngumisi si Talal dahil hindi nga s'ya binigo ng dalagita. Sumugod ito ng mag-isa sa kanila. Base sa impormasyon n'ya kay Lillith, katulad ito makipaglaban kay Alexander. Umaalis ito sa pack n'ya upang sumugod sa maraming kalaban. Ngunit malaki ang pagkakaiba nila sa kalakasan.

"Nagkakamali ka ng akala tanda kung akala mo ay mas mahina ako kay Alexander." Mapanuyang winika ni Lillith habang matulin n'yang iniikutan ang grupo nila Talal.

At nag-umpisa na nga s'yang umatake. Walang magawa ang mga taong-lobo ni Talal kay Lillith. Masyado itong matulin para sa kanila.

Isa pa, nalilimitahan man ng pagkakadikit-dikit nila ang mas matulin na pag-atake ng dalagita ganoon din naman ang sa kanilang pagkilos. Nagkikiskisan ang mga nagngangalit na ngipin ni Talal dahil napupuno na ng sugat ang kanyang mga tauhan dahil sa atake ng dalagita.

Samantalang pilit sumusunod kay Lillith ang buong pack ni Alexander ngunit hindi sila hinahayaan ng tatlong pangkat. Dahil doon isolated na si Lillith at ang pangkat ni Talal.

"Maging alisto kayo. Protektahan ang isa't-isa." Pasigaw na utos ni tandang Walter sa pack.

Naglapit-lapit sa isa't-isa ang buong pack ni Alexander. Ang iba ay tumalikod upang harapin ang mga kalaban mula sa likuran.

Hanggang sa dumating na ang unang yugto ng salpukan.

Atake rito.

Atake roon.

Sangga rito.

Sangga roon.

Sipa!

Tadyak!

Matindi ang naging kalmutan at kagatan ng mga taong-lobo ng dalawang panig.

Sa sobrang bilis at dami ng tagisan ng lakas na nagaganap ay nahihirapan talagang sundan ni Clyde ang labanan.

Matapos ang unang yugto ay kitang medyo dehado talaga ang pack ng summons ni Clyde.

Nasugatan ang karamihan sa pack ni Alexander. Sa kabutihang palad wala namang napuruhan ni isa.

Hindi pa rin nare-reveal ang tunay na estado ng mga taong-lobo. Na sila ay mga summon na ni Clyde.

"Zigmund! Uta!" Sigaw ni tandang Walter. Ang mala-butler na taong-lobo ng pack.

Walang lingon-lingon na mas naging agresibo ang dalawa. Hindi na nila kailangan tingnan sa mata ang matanda para malaman nila ang intensyon nito. Sa tagal na nilang magkakasama ay kabisado na nila ang isa't-isa.

Si Uta na nasa harapan sa bandang kanan ni tandang ni tandang Walter ay nagsimulang durugin ang mga kalaban n'ya.

Sa panahon ding iyon, ni-neglect na ng tuluyan ni Walter si Zigmund. Finocus n'ya ang lahat ng atensyon sa may mala-trosong katawang taong-lobo.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now