Chapter 34, part 3 : Serving justice, Retribution and Mart's secret!

467 61 16
                                    

= Trigger Warning =

Maraming sensitibong paksa ang nakapaloob sa chapter na ito.

Read at your own risk.

...

Sa pag-amin na yun ni Clyde sa naging sakit n'ya, na-taken aback si Mart.

Naguguluhan si Mart sa kanyang damdamin. Ang pinakauna n'yang nadama ay pagkagulat. Di n'ya akalaing ang isang hunter na kagaya ni Clyde ay may ganitong suliranin.

Ang mga hunter ay itinuturing na halimaw dahil sa angkin nilang nagising na mga kapangyarihan.

Nagduda s'ya.

Talaga kayang totoo o posible ang inamin sa akin ni Clyde?

Napapakagat sa mga kuko sa daliring pagkabalisa ni Mart. Kumabog nang matindi ang dibdib n'ya.

Hindi kaya'y niloloko lang ako ni Clyde? Kung oo, bakit kaya? Posible kayang nais n'ya lang akong pagtripan? Hindi! Imposible yun. Mabait si Clyde. Naku! Paano kung nagbabait-baitan lang pala si Clyde upang maisagawa n'ya ang pam-bubully sa'kin? Posible!

Kumalma ka, Mart! Nag-ooverthink ka na naman. Don't judge him. He helped you wholeheartedly. Na walang hinihintag na kapalit. Give him the benefit of the doubt.

Pabalik-balik na naglakad si Mart sa harapan ng kanyang cellphone na nakalapag sa kanyang higaan, nababalisa.

Nalungkot rin si Mart sa isang katotohanan.

Nalungkot s'ya sapagkat maging ang isang hunter na itinuturing na halimaw ng mundo ay hindi rin pala nakakalusot pagdating sa sakit na pangkaisipan.

Tumaas din lalo ang paghanga rito ni Mart. Hindi lang ito mabait, mas matapang pa ito sa kanyang inaasahan.

Ngayong nakapagtratrabaho si Clyde bilang hunter, isa lang ang pakahulugan noon kay Mart. Nagawa ni Clyde gawing normal ulit ang buhay n'ya sa kabila ng lahat. Nagawa n'yang gapiin ang inner demons.

Nanginig si Mart sa excitement. First and foremost happy s'ya para kay Clyde. Secondly, excited s'ya to learn from Clyde's experience of his social anxiety battles. Because of it he is eager to ask him questions.

At Mart's age, he is the same age of Clyde, both of whom are twenty-six years old. He got no work or prior work experiences. Ni magtapos nga ng kolehiyo ay hindi n'ya nagawa, yun pa kaya. Also, no experience with girls since he is anxious around them. He don't even get out of his parents house a lot of times. His life sucks.

Ang akala tuloy ng mga tao sa paligid ni Mart ay sumuko na s'ya sa buhay, but that's not true. Sadyang nahahadlangan lang ng kanyang sakit ang kalayaan. Gaya ng iba he also wanted to go out a lot. Well, maybe not a lot.

People with anxiety disorders or any type of mental disorders also want to do normal things. They crave for normality.

He also got tired of explaining it to others. Sa mga kapamilya n'ya nga ay hindi pa s'ya maintindihan ng lubos.

Naiintindihan naman s'ya nila in a sense na hindi s'ya pinipilit ng mga ito sa mga bagay na ayaw n'ya. Mabait din ang pakikitungo nila sa kanya. But hindi s'ya nila maintindihan in a different sense.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now