Chapter 33, part 1 : Ice and Joshua's brotherhood

490 70 9
                                    

"Mga ato hindi ko alam kung anong binabalak n'yo at naisipan n'yong tumungo rito sa dis oras ng gabi, pero nais ko lang kayong paalalahanan gaya ng sabi ko bago ako pumayag na ihatid kayo rito. Batikan ang lugar na 'to na base ng mga kriminal. Kahit mga pulis sinukuan na ang lugar na ito. Pwede pa kayong umatras. Ihahatid ko na lang kayo pabalik sa pinagmulan natin kanina. Kung nag-aalala kayo sa bayad, 'wag. Yung pagpunta na lang natin dito ang sisingilin ko. Huwag lang kayong tumuloy. Ang babata n'yo pa." May pag-aalalang pagpapaalala ng tricycle driver kina Ice. Hindi n'ya maatim na pabayaan ang dalawang binata hukayin ang sarili nilang libingan.

"Salamat sa pagpapaalala manong, pero hindi na po mababago ang mga isip namin." Nakangiting tugon ni Joshua sa tricycle driver bago ito mag-pause.

"Minsan may mga bagay na kailangan nating gawin bilang mga matitinong tao. Kahit pa alam na nating kaakibat nito ay ang pagsuong sa matinding panganib." Dagdag pa ni Joshua.

"Umalis na po kayo, manong. Kayo na rin ang nagsabing delikado rito." Sabi ni Joshua sa driver na nagpabuntong-hininga sa huli.

"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin pero isa lang ang nalalaman ko. Ginawa ko na ang tungkulin ko sa inyo. Pinaalalahanan ko na kayo. Kayo ang makukulit." Inis na tugon ng driver tsaka nito pinaandar ang makina ng tricycle.

Taimtim na tiningnan ng driver ang magkaibigan sa huling pagkakataon tsaka sinabing, "mag-iingat kayo," sabay pinaharurot ang lulan na tricycle palayo sa lugar.

Sinaluduhan ni Joshua ang driver na hindi na nakita ang kanyang aksyon. Bilib s'ya na nagawa nitong magmalasakit sa kanila na talaga namang madalang ng mangyari sa panahong ito. Masyado ng naging matigas ang puso ng mga tao marahil na rin siguro sa dinaranas at nasasaksihan nilang laganap na kabrutalan at kasamaan ng mundo.

Sinimulang baybayin ng magkaibigang Joshua at Ice ang kalsada ayon sa direksyong itinuro ng room mate ni Fina.

Hindi nagtagal narating na rin nila ang pakay na lugar.

Sa kalaliman ng gabi, tanging ang establisyimentong 'yon ang nakabukas pa at ang natitirang may ilaw sa magkakatabing establisyimento.

Walang pag-aatubiling tinungo ng dalawa ang kainan.

Sa pagtuntong na pagtuntong pa lang ng mga paanan nina Joshua sa karendirya ay naging sentro na sila ng atensyon sa mga naroroon.

Labing-anim na mga mata ang dumako sa kanilang direksyon.

Ang mga tinging 'yon ay nagpagapang ng kilabot sa mga balat ng magkaibigang Ice at Joshua.

Tila baga'y sina Ice ay simpleng mga produkto lamang na kinikilatis nila kung paano mapakikinabangan at hindi bilang mga tao sa kanilang mga mata.

Umubo si Joshua dahil hindi n'ya na kinakaya ang hindi kaaya-ayang nararamdaman n'ya sa mga tila baliw na titig. Epektibo naman ang ginawa n'yang pagtawag ng pansin sa mga ito. Naramdaman n'ya ang pagkawala ng nakakapangilabot na pakiramdam.

"Pa-order naman ng makakain, sir." Pilit na pinakikita ni Joshua ang kanyang kunwaring kakalmahan.

'Hindi s'ya maaaring magpakita ng kaba sapagkat maaalerto noon ang mga pinaghihinalaan n'yang nasa loob ng karinderya.' Ani Joshua sa sarili.

"Anong gusto mo, bata?" Maangas at sisiga-sigang pananalita nang isa.

Sa palagay ni Ice ito ang tagaluto sa kainan base na rin sa suot-suot nito na puting tabing sa kanyang mga hita.

"Hindi rin ako sigurado. Bigay n'yo na lang sa'min ang specialty n'yo." Utos ni Joshua.

Tumalikod ang kusinero sa dalawa.

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon