Chapter 41, part 2 : Holymancer Army Respective Whereabouts

496 65 8
                                    

"Pinili mo ang isang bilugang pananggalang na may pakahulugang tagapagtanggol na walang kinikilingan." Iiling-iling na paglalahad ni Maria Makiling ng kanyang pagkadismaya.

The circular shield indeed represents indiscriminate protection. He choose a circular shape for good reasons.

Circles have no sides. To some, they considers circles as a representation of impartiality and at times, unity.

When Clyde and Eva were brainstorming ideas for their Clan's emblem, the former started to form it with his principles and experiences in life as its base.

For someone like Clyde who experienced some extreme ups and downs in his life, being considered as the lowest of the lowest, then later on having achieved success, power and riches, he can empathize with both sides.

"Ano namang mali roon?" Sagot naman ng Holymancer.

"Nais mong protektahan ang mga nilalang na kung tawagi'y tao. Kauri nang mga nanakit sa'yo noon. Ikaw na rin ang nagsabi sa'min noong marami ang kauri mong mapang-abuso, mapanakit, gahaman at maiitim ang budhi. Nabanggit mo ring naging biktima kayo ng mas nakararangya sa'yo noong kayo'y walang-wala pa at kung ituring kayo'y tila ba mga basahan. Gayun din naman ang ginawa sa'yo ng mga taong kaestado mo sa buhay. Nang makita nilang mabait ka at 'di nananakit gaya nila inabuso ka nila, tama ba aking mortal na master?" Paglalahad ni Maria sa bawat isang dahilan sa pagkontra n'ya sa pagtutuloy ng plano ng Holymancer.

"Oo," sagot naman ni Clyde rito.

"Kaya 'di ko maintindihan kung bakit nagagawa mo pa ring isiping protektahan ang masasamang mga mortal na 'yan. Kasama rin kasi sa ideya mong isali sila sa clan mo kung papayagan ka ng pagkakataon." Matinding pagpapakita ni Maria sa pagtututol n'ya sa desisyon ni Clyde.

"Maaaring ginawan at pinaranas ako ng ibang tao ng masasamang karanasan ngunit kung magiging buktot at sarado ang aking isipan sa maraming posibilidad ng sangkatauha'y hinding-hindi ko makikita ang kabusilakang puso ng iba." May sumilay na busilak na ngiti sa labi ng Holymancer.

Merong mga mukhang sumagi sa isipan n'ya sa pagsasabi n'ya sa mga katagang 'yon. Naputol 'yon sa relentless na argumento ng diwata.

"Sabihin na nating may mabubuting tao pa rin. Ngunit ang sabi mo'y 'di ka mamimili nang tutulungan at proprotektahan. Nangangahulugang ba 'yong maging ang masasama ay kasama roon?" Masigasig na tinitigan ni Maria si Clyde na tila ay sinusubok ang kanyang master.

Kumislot ang mga kalamnan ni Alejandro sa tense na moment na nasasaksihan. Sa kanilang maikli ngunit makabuluhang pagsasama, ito ang unang pagkakataong nakita ng 1st Holymancer General ang tila pagsubok at pagkwestiyon ni Maria sa desisyon ng kanilang pinuno.

"Oo," walang pag-aatubiling tugon naman ni Clyde sa malinaw na panunubok ni Maria sa kanya.

Tinaas ni Clyde ang isang daliri na nagpatigil sa pagsasalita ni Maria.

Seryosong tiningnan ni Clyde si Maria, mata sa mata. Huminga ang Holymancer nang malalim bago bumalik sa isipan n'ya ang tatlong naudlot na mukha.

"Balak kong bigyan sila ng tiyansang magbago. Maaaring gaya ko'y nakaranas lang din sila ng masasamang eksperiyensa sa buhay kaya sila'y nagkaganun." Sumandaling nag-pause si Clyde bago muling nagsalita.

"You see. Once, I was given a chance too. Dapat ko bang ipagkait 'yon sa kapwa tao ko?" Confession ni Clyde kay Maria at sa sampu pa ng kanilang mga kasamahan.

Isa-isang na-reveal sa utak n'ya ang tatlong mga mukha. Una si Gaea, sunod si Jake at huli'y si Angel.

"There was once a time I was really, really bad.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now