Chapter 15, part 1 : Calm before the storm

1K 134 13
                                    

Holymancers : Let me tell you something guys. Ang setting ng Holymancer ay sa isang parallel earth sa loob ng isang alternate universe. Kaya naman hindi maiiwasang magkaroon ng pagbabanggit ng ilang mga grupo o organisasyon. Ang mga pananaw at opinyon hinahayag sa narasyon ay katha lamang ng malikot at mapaglarong isipan ng manunulat. Ang mga bagay na nakasulat patungkol sa mga organisasyon ay nilikha lamang upang pagandahin ang istorya.

...

Sa sumunod na umaga, araw ng Sabado, abalang-abala ang kapulisan sa probinsya ng Bulacan.

"Kriiing! Kriiing! Kriiing!" Sunod-sunod na tunog ng telepono sa opisina ni Chief Superintendent Villaluz.

"Pu***ta!" Napamura ang head ng kapulisan ng buong Bulacan sa pagkaaburido.

Kagabi pa s'ya hindi nilulubayan ng walang-humpay na mga pagtawag. Nag-umpisa ang kanyang kalbaryo sa pagdating ng dose-dosenang mga tulog na suspect sa paggawa ng iligal na trabaho.

Paano nalaman ni Villaluz na salarin ang mga natagpuang natutulog na tao sa harap ng kanyang istasyon? May iniwan kasing memory card na naglalaman ng mga litrato at bidyo sa bulsa ng isa sa mga ito.

Kasama noon ay ang ilang papeles na nagpapakita ng iligal na transaksyon ng pagbebenta ng mga baril. Ang nilalaman ng bidyo at mga litrato ay nagpapakita ng paghahakot ng matataas na kalibre ng baril ng mga trabahador na pawang natutulog na ngayon sa harapan ng istasyon.

Kumalabog ang mesa ni Chief Superintendent Villaluz ng ito ay kalampagin n'ya gamit ang nakakuyom na kamao.

Walang anu-ano'y nag-ring ang kanyang pampribadong cellphone. Kumalabog ang dibdib ni Villaluz. Hindi lingid sa kaalaman ng iba na para sa mataas na posisyong meron s'ya, isang katangian ay ang pagiging matatag ang loob. Ganoon ang Chief Superintendent ngunit tila nabahag ang buntot n'ya sa pagri-ring ng personal na cellphone.

Naglaho ang lahat ng ingay na nagmumula sa ibang telepono. Tanging ang ingay ng sariling cellphone lang ang kanyang nauulinigan.

Isinet n'ya sa divert call ang lahat ng numerong nakakaalam ng kanyang kontak. Kaya naman sigurado s'ya kung sino ang tumatawag. Ang tanging taong may alam ng kanyang numero na hindi n'ya kayang i-block ang nag-aabang sa kabilang linya.

Nilapit n'ya ang kamay sa tumutunog na cellphone para lang huminto ang kamay sa kalagitnaan. Nakakuyom n'yang binawi ang kamay. Ngunit, nagdalawang-isip ang Superintendent at muling inilapit ang kamay. Pero muli n'ya iyong hininto. Nagpaulit-ulit pa 'yon ng ilang beses hanggang sa huminto ang tawag.

Tila natauhan ang Chief Superintendent ng mapagtanto ang nagawa. Bumuga ng malalim na hangin ang may mataas na ranggong pulis.

Bigla, lumagutok ang malutong na tunog sa kabuuan ng kwarto.

Nakadapo ang malapad na palad ni Villaluz sa kanyang kaliwang pisngi. Nang kanya itong alisin, nakabakat na rito ang kapulahang gawa ng pagsampal sa sarili.

Sa ginawa, nagawa n'yang pabalikin ang katigasan ng dibdib. Dagliang dinampot ni Superintendent Villaluz ang cellphone.

Isang tao lang ang qualified sa buong bansa para pakabahin ang isang mataas na opisyal ng kapulisan gaya ni Villaluz. Iyon ay walang iba kundi ang Pangulo ng Pilipinas.

Matulin n'yang pinagpipindot ang cellphone. Pagkatapos itinapat nito ang iyon sa tenga.

Ilang beses nag-ring ang kabilang linya bago ito tuluyan sagutin.

"Ano na naman itong nabalitaan ko sa hurisdiksyon mo Villaluz? Aba hindi ka pinaswesweldo ng bansa para magpatumpik-tumpik lang. Gawin mo ng mabuti ang trabaho mo. Isipin mo rin kung bakit hindi ka kinatatakutan ng mga lintik na kriminal na 'yan!" Galit na bungad ng pangulo ng bansa.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now