Chapter 21, part 3 : Four alpha's submission

674 102 3
                                    

Natapos na rin ang giyera sa pagitan ng dalawang panig.

Naglakad papalapit si Clyde sa pack para batiin sila.

"Magaling. Ang lakas-lakas n'yo. Magiging malaking tulong kayo sa adhikain kong sirain ang mga dungeon." Si Clyde.

"Basta ba tutuparin mo ang pangako mo sa pack ko." Seryosong sabi ni Alexander kay Clyde.

"Oo naman. A promise is a promise."

Nag-isip saglit si Clyde. Tapos itinanong n'ya kay Alejandro kung ano ang pinag-usapan nila ni Talal bago sumiklab ang giyera sa kanila at bakit matulin lang natapos ang usapan.

Ganito ang sinagot ng True alpha.

"Nagbatian lang kami. Agad kong inumpisahan ang digmaan gaya ng sabi mo master. Sabi mo may limitasyon ang 'yong kakayahan upang maging invisible. Isinaalang-alang ko ang sinabi mo. Kasi kapag mamatay ka rito hindi na rin ako makakatuntong muli sa earth. Hindi naman ako makapapayag doon." Ngingisi-ngising sagor ni Alexander kay Clyde.

"I see." Si Clyde. "Napansin ko ring naiintindihan n'yo ang sinasabi ng iba't-ibang lider ng mga pack. Clearly iba-ibang lenggawahe ang ginagamit nila." Dagdag na tanong pa ng Holymancer.

"Oh! Yun ba? Sa tinagal-tagal na rin namin sa loob ng dungeon nakakapag-interact kami sa ibang pack. Katagalan natutunan na rin namin ang mga lenggwahe nila. Kahit na hindi kami ganoon kabihasa." Paliwanag pa ng True alpha sa Holymancer.

"Kung meron mang bihasa sa mga lenggwahe si Talal 'yon." Turo n'ya sa napaslang nila na isang alpha.

"Bakit mo sa'kin sinasabi 'yan?" Nakangiting tanong ng Holymancer sa True alpha.

"Mukha ka kasing interesado sa mga lenggwahe base sa reaksiyon mo kapag pinag-uusapan 'yon." Lahad n'ya sa obserbasyon n'ya sa bagong pinuno.

"Oo. Tama ka." Napapakamot ng ulong kompirmasyon ni Clyde. Para s'yang batang nahuli na kumukupit ng tsokolate sa ref. ng bahay nila.

"Gusto ko lang magkaroon ng isang summon na multilingual. Yung bihasa talaga. Malay mo kasi kailanganin ko in the future, 'di ba?" Dugtong pa ni Clyde.

"Teka sisimulan ko na ang pagkumbinsi sa kanilang sumali sa grupo natin." Pagbabago ng topic ni Clyde. Excited ito sa posibilidad na adisyon ng bagong malalakas na summons.

Ginamit n'ya ang Soul cleansing sa mahigit isang libong patay na mga taong-lobo. Nagdulot 'yon ng sobrang nakakasilaw na liwanag sa lokasyon nila Clyde.

Maya-maya pa sabay-sabay nagsibangon sa katawan nila ang mga takang-takang taong-lobo.

Nagkaroon pa nga ng isang panandaliang komosyon.

Sinubukan 'yong pahupain ni Clyde ngunit walang pumapansin sa kanya. Wala silang respeto kay Clyde.

Ngunit ng nakita nilang umabante si Alexander na kumitil sa karamihan sa kanila ay nagsitigil sila sa pagwawala. Takot sila sa True alpha.

"Makinig kayo sa kanya." Turo ni Alexander kay Clyde.

"Master ko s'ya." Dugtong ni Alexander na muling nagdulot ng mas matinding komosyon.

"Tahimik!" Bulyaw ni Alexander na nagpatigil sa mga kaluluwang taong-lobo.

Nag-iba ang pakikitungo nila kay Clyde matapos ang deklarasyong 'yon ni Alexander.

Nakatingin ang mga bagong kamamatay lang na taong-lobo kay Clyde na puno ng takot.

"Master ng halimaw na si Alexander ang taong ito? Malamang isa rin itong halimaw." Namuo ang isang misunderstanding sa loob ng mga taong-lobo.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now