Chapter 32, part 1 : Aizen Monasterio

579 102 8
                                    

One early morning, one unexpected call doomed Clyde's bright day. The caller, the one who he entrusted Ice and Joshua's scholarships told him a sad news that shocked the hell out of him.

Ice or Aizen Monasterio is in the hospital. Ice was shot by a bullet yesterday night and is hospitalized. On the otherhand, the even sadder news is, Joshua Salvador, Aizen Monasterio's classmate and close friend is no more. Joshua was also shot by a gun on that same night but died on the spot after being shot.

Nasira ang mga plano ni Clyde sa araw na yun. Hindi n'ya alam kung paano s'ya nakapunta sa ospital na pinagdalan sa dalawa. Ang tumatakbo lang sa isip ni Clyde ay may nabawas na namang isang mabuting nilalang sa mundo. Malaking panghihinayang ang kanyang nadama. Gulong-gulo rin s'ya. Hindi n'ya maipakiwari ang sinapit ng binata. Masyado pa itong bata para mamatay. Maraming gumugulo sa isip n'ya. Maraming katanungang naglalaro sa utak n'ya.

Bakit sila nabaril? Paano? Anong ginagawa nila?

"Good morning po 'tay, 'nay." Natigil ang paggala ng isipan ni Clyde sa boses ng pagbating 'yon.

"Good morning din." Matamlay na sagot naman ng dalawang may edad na mag-asawa.

Sumunod na pumasok si Clyde sa kwarto ng ospital.

Bilang s'ya ang huling pumasok ay si Clyde ang nagsara ng pintuan ng kwarto.

Napatingin naman ng may pagtataka ang magkabiyak kay Clyde. Nginitian sila ni Clyde nang mapansin nitong tinitingnan s'ya ng mag-asawa. Ginantihan naman s'ya ng sariling ngiti ng mag-asawa. Matapos yun ay may nagtatanong na tingin ang itinapon ng dalawa sa kasamahan ni Clyde, ang namamahala sa iskolarship nina Ice at Joshua.

May pilit na ngiting iginawad ang namamahala ng iskolarship sa mag-asawa. Hindi nito malaman ang isasagot. Kaya naman tumingin na lang ito kay Clyde bilang paghingi nang saklolo.

Tinapik ni Clyde sa balikat ang kasamahan sabay sabing, "ako na!"

"Ako nga po pala si Clyde." Inabot ni Clyde ang kanyang palad sa matatanda. Senyales iyon nang panghihingi nito ng handshake.

Kahit may pagtataka sa utak ang mag-asawa ay tinanggap nila ang handshake. Ngunit sa sumunod na mga sandali ay nalinawan ang mga katanungan nila sa kanilang mga isip.

"Ako ang nagbigay ng iskolarship sa anak n'yo at kay Joshua." Pormal na pagpapakilala ni Clyde sa dalawa.

Nag-iba ang tingin ng mag-asawa sa taong may busilak na kaloobang nagbigay ng scholarship sa kanilang anak na nasa harapan na nila.

Magalang na nilapitan ng magkabiyak ang naka-shades na nagpapaaral sa anak nila.

Si Clyde mismo ay nawiwirduhan din sa pagsusuot n'ya ng shades subalit kailangan n'ya yun. Hindi n'ya ito magawang tanggalin 'pagkat paniguradong makikita ang pamumugto ng mga mata n'ya kaiiyak.

"Maraming salamat po sa pagdalaw sa anak namin, sir." Sabi ng ina ni Ice.

"Maraming salamat din sa pagpapaaral mo sa kanya. Kung hindi dahil sa'yo hindi s'ya magiging edukado. Kung 'di dahil sa'yo ay baka naging laboy na ang anak ko. Maraming-maraming salamat sa lahat." Taos sa pusong pagpapasalamat nila kay Clyde.

"Wala po yun." Medyo hindi komportableng tugon ni Clyde. Hindi ito sanay sa mga compliments.

Dumako ang tingin ni Clyde kay Ice na ngayon ay himbing na himbing sa pagtulog sa hospital bed.

"Kamusta na po si Ice?" May bahid pag-aalalang tanong ni Clyde sa mga magulang nang nakaratay na si Ice.

"Sa awa naman ng Diyos ay nakalipas na ang kritikal n'yang sitwasyon." May bahid saya ngunit malungkot na tugon ng ginang.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now