Chapter 19, part 2 : Werewolves Plateau and the alpha

797 126 17
                                    

Nabuo na ang resolve ni Clyde. Napag-isip-isip ng hunter sa kanyang Concealed state na wala na s'ya ibang alas na magagamit sa pagtakas.

Nagamit na n'ya ang skills na naka-attach sa Ring of good riddance! at Phantasmal boots. Ang kanyang Conceal ay may mahabang cooldown. Sa mga segundo na 'yon, marami ng maaaring maganap.

Para sa isang mage type na tulad ni Clyde, ang movement at escaping skills ay ang lifeline n'ya.

Ang isang mage na wala ng mga ito ay isang third rate mage.

Sa isang intense na labanan, ang isang mage na walang available na movement or escaping skills ay parang isang baboy na naghihintay makatay.

Dahil wala na s'yang pantakas na skills, naisipan ni Clyde mag-initiate ng isang surprise attack.

Muling sinummon ni Clyde si Alejandro. Pinagamit ito ng Divine pull. Nakuha ni Alejandro ang atensyon ng kakaunti na lamang na mga taong-lobo.

Sa panahong sumusugod sila kay Alejandro, mabilis na bumalik sa labanan si Clyde.

Pinosisyon n'ya ang sarili sa likuran ng mga taong-lobo habang nasa Concealed state.

Inangat ni Clyde ang kamay. Nakaturo ang palad n'ya sa likuran ng mababangis na dungeon monster.

Bilang gateway, nag-umpisang bumukas ang isang portal sa palad ni Clyde. Marahan, papatuling kumalat sa paligid ang kulay berdeng guhit sa hangin. Unti-unting naglabasan ang mga orb sa palad ni Clyde. Inakumpanyahan ng nakakakilabot na mga pag-ihip ang nagsasayawan sa hangin mga orb.

Walang pakundangang tinira ni Clyde ng Bouncing soul creepers ang mga nakatalikod na taong-lobo.

Pinagmasdan ni Clyde ang matuling pagtalbog ng mga orb sa katawan ng mga kalaban, sa malapitan.

Napamangha s'ya sa mga taong-lobo. Kahit na isang surpresang atake ang kanyang pinawalan, nagawa pa rin nilang mag-react agad-agad.

Bago pa magawang dumikit sa kanilang mga katawan ang orbs, nagsipaling na ang kanilang mga katawan sa direksyon ni Clyde. Iyon ay matapos lang nilang dispatsahin si Alejandro. Pinapakita lang noon kung gaano kataas ang kanilang perception, reflexes at agility. Ngunit huli na ang lahat. Sa point-blank range, unrivalled ang Bouncing soul creepers. Hahabulin at hahabulin ng orbs ang mga target nila.

Nakangising pinagmasdan ni Clyde na isa-isang magbagsakan ang mga taong-lobo sa kanyang harapan.

Ngunit napabalikwas si Clyde sa gulat. Hindi n'ya napapansing nakalapit na pala sa kanya ang pinuno ng mga taong-lobo. Nang mapagtanto n'yang papalapit na ang matatalim na kuko nito, huli na ang lahat. Ilang pulgada na lang ang layo nito sa mga mata n'ya. Hindi s'ya naka-react. Mataman n'ya lang tinitigan ang pamatay nitong atake. Ang kanyang katawan ay naestatwa sa kanyang kasalukuyang posisyon.

Tila nag-slowmotion ang oras ni Clyde.

Nabuga na lang ni Clyde ang napigil n'yang paghinga nang lumihis ang matatalim nitong kuko sa ulo n'ya.

Unti-unting bumagsak ang pinuno ng mga taong-lobo sa kaliwang banda ni Clyde. Bumalik lang ang dating tulin ng oras n'ya nang tumama ang mahabang pinilakang buhok taong-lobo.

Rinig na rinig ni Clyde ang paglagabak ng pinuno ng mga taong-lobo sa lupa ng talampas.

Hinabol ni Clyde ang hininga n'ya. Sa ilang saglit, nag-normal ng muli ang emosyon ni Clyde.

"That was close!" Namumutla pang sabi ng hunter.

Lumapit sa kanya ang mga summon na natira. Isa-isa nilang pinahiwatig ang pag-aalala nila sa nangyari sa pangunguna ng tatlong natitirang Holymancer generals.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now