Chapter 36, part 1 : South Korea's Counterattack

379 71 9
                                    

7: 27 a.m.

Sa isang presinto sa Bulacan...

Lingid sa kaalaman ng lima pina-blotter na ni Gaea ang barkadahan nila.

Inilahad n'ya ang nasaksihang pangyayari. Ang pagmamalupit nila Noel kay Stan. Idinamay n'ya na rin ang naririnig n'yang regular na pambu-bully ng lima sa kawawang kaeskwela. Maging ang pagtatangka na rin nitong pananakit sa kanya na umaawat at nagmagandang-loob lamang.

Walang kaide-ideya ang limang bullies na ngayon ay dumadanas pa rin ng pinakamatinding kahihiyan sa kanilang buhay na ine-report na sila ni Gaea. Hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin silang hubo't-hubad, kung saan maraming tao ang sadyang nakakakita sa kanila. Iyon ay sa ilalim nang masidhing pagsubaybay ni Jude.

...

Mahigit isang oras na ang lumilipas nang simulang baybayin ng sasakyang lumululan sa grupo ng Intsik na rank S hunters ang kalakhan ng NLEX, patungo sa Bulacan.

"Malapit na tayo sa ating destinasyon aming mga bisita." Nakangiting pag-aanunsyo ni Secretary Guadalupe sa grupo nina Lu Man nang makita n'ya ang toll gate na palatandaang papasok na sila sa kalakhang Bulacan.

Trinaslate 'yon ng kanyang interpreter para kina Lu Man kagaya ng kanina pa nila ginagawa.

Ilang sandali pa ay nakita na nila ang arkong palatandaan na narating na nila ang Bulacan.

"GUIGUINTO, BULACAN!" sabi sa arko.

Sa gilid naman, sa ibaba ng arko, sa bandang kanay ay may signage. Ang nakasulat sa itaas noon ay ito.

"MANILA/NLEX."

...

Halos magdadalawang oras ang nagdaan ay simula na ring matanaw nina Clyde ang estado ng South Korea.
Matapos ang isang ginawang tawag ni Flare Lee ay lumapag ang sinasakyan nilang private plane sa isang mataas na gusali.

Habang marahang luma-landing ang plane ay pansin na pansin ni Clyde na kakaiba ang parteng 'yon ng Korea kesa sa mga nadaanan nilang mga lugar. Meron pa rin namang mga halimaw na ginagapi rito. Ang kaibahan lang nito sa ibang lugar ay hindi ganoon katindi ang pinsala.

Kung sa mga nadaanan nila Clyde ay wala na halos na matinong mga gusali at panay kaguluhan na, dito naman ay napansin n'yang relax na relax pa ang mga nananahan kahit na limitado ang kanilang mga galaw.

Napansin ni Clyde na 'yon ay marahil na rin sa nararamdaman n'yang malakas na enerhiya. Nagmumula 'yon sa walang humpay na umuulang pana sa isang direksyon na kumikitil sa maraming halimaw.

Sa tuluyan nilang paglapag ay sinalubong ng isang masigasig na tao ang kanilang pagbaba mula sa loob ng private plane.

Nakangiting binati ng isang lalaking sa palagay ni Clyde ay medyo mas matanda lang ng kaunti sa kanilang tatlo nina Flare at Crissa.

"Anyeong!" Naintindihan n'ya 'yon sapagkat isang basic na Korean word lang yun. Kahit na nakangiti ay hindi nakalusot kay Clyde ang intensity sa boses at expectation sa mga mata ng sumalubong sa kanila.

Habang ginagabayan sila kung saan nito ay nagsimulang mag-usap ang lalaki at si Flare sa kanilang lenggwahe. Gaya ni Crissa ay tahimik lang din na sumunod si Clyde sapagkat ang pinag-uusapan nila ay 'di n'ya business.

Makalipas ang ilang minutong lakaran ay huminto sila sa tapatan ng isang pintuan. Magalang na tumango ang lalaki kay Flare, at maging kina Crissa at Clyde na rin bago ito kumatok ng tatlong beses sa pinto sa harap nila. Agad din namang bumukas ang pintuan. Tumambad kay Clyde ang isang mamang nakaupo sa kanyang office chair. Punong-puno ito ng charisma sa kabila nang prente n'yang pagkakaupo sa loob ng kanyang opisina. May tipid na ngiti itong tumayo. Inayos bahagya ang suot-suot na suit. Naglakad ito papunta sa direksyon nina Flare Lee.

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon