Chapter 8, part 3 : Vengeance of the wronged

1.2K 121 2
                                    

Binalik ni Clyde ang tingin sa pinuno na mga ito. "As you can see or feel, binigyan ko kayo ng chance to be free. You can go up." Turo ni Clyde sa langit. Sinundan ng lima ng tingin ang hintuturo ng hunter.

Sa ibabaw ng mga mangkukulam, napansin nila ang makapal na bumabalot na liwanag. Bumalik sa alaala ng mangkukulam ang nangyari sa kanya ilang dekada na ang nakakakipas.

"Sino ka?" Kunot-noong tanong ng mangkukulam.

"Ako si Clyde, isang hunter." May malapad na ngiting sagot ni Clyde. Kumabog ang dibdib n'ya. Na-excite s'ya dahil mukhang nagkainteres sa kanya ang pinuno. Hindi n'ya mapigilang mas lumawak ang ngiti. Umabot na ito hanggang sa kanyang mga tenga. Hindi n'ya mapigilang tumaas ang expectation sa balak n'yang itanong.

"Pwede bang magtanong?" Nanliliit na matang tanong ng hunter sa mambabarang.

"E, ano bang ginagawa mo? Hindi ba nagtatanong ka na?" Matalas na tanong nito. Namula ang mukha ng hunter lalo pa at nagtawanan ang apat na mangkukulam.

Napakamot sa ulo si Clyde. "Ang sungit mo naman. Meron ka pang isang option. Actually kayong lahat." Baling n'ya sa apat.

"Kung ayaw n'yo pang umakyat sa taas, I can help you with that. Kung napansin n'yo marami akong summons. They can revive infinitely. You can say they are technically immortals. If you agree to form a soul contract with me, you can be like them. Hindi ba nakaka-tempt ang idea na pwede kayo ng maging imortal?" Pinagkiskis ni Clyde ang mga palad n'ya.

"Bastos ka rin talaga 'no? Tingin mo ba papayag kami sa ideyang maging tauhan mo? Matapos mo kaming paslangin? Sinong nasa tamang pag-iisip ang gagawa noon? At lalong walang papayag ni isa rito na huminga ng kaparehong hangin na hinihinga ng isang tao. Na-curious lang ako kanina kung paano mo na-control ang liwanag na 'yon. Hindi 'yon nabubuksan ng sino lang. Mga anghel lang o mas matataas sa kanila ang nakapagbubukas noon. Nakita ko na 'yon dati ng may sumundo sa'kin. No one will agree with you. Tandaan mo 'yan." Nakangiting turan ng mambabarang pero hindi ito abot sa mga mata n'ya. Kita mo pa n'ya ang nakatagong pinipigil na pagpupuyos rito.

"E, kalma lang. Sinubukan ko lang naman. Kung may pagkakataon kasi akong mapalabas kayo sa future sa harap ng ibang tao, pababayaan ko kayong gumala. Tingnan din natin kung pwede kayong kumain. Maraming masarap na pagkain sa labas. Cake, ice cream at marami pang iba. Pero parang ang tindi ng galit n'yo sa mga tao, wag na lang pala." Depensa naman sa argumento ng hunter.

"Pero anong ibig sabihin mo? Nakita mo na ang ganyang liwanag? Bakit parang galit na galit kayo sa mga tao?" Curious na taking ni Clyde.

Tumikhim lang ang pinuno bago ito nanahimik. Tila ba wala itong balak maki-cooperate. Pasuko na sana ang hunter ng umimik ang isa sa apat na mangkukulam.

"Bakit hindi mo ikwento sa kanya pinuno?" Pagputol ng katahimikan ng dilag na may maamong mukha. S'ya ang plant witch.

"Sang-ayon ako kay Rose, Brenda. Mukhang iba naman s'ya sa mga taong 'yon." Segunda ng matanda.

Kumunot ang noo ng pinunong ang pangalan pala ay Brenda. Bumuntong hininga ito at tumingin sa mangkukulam na may probokatibong pananamit. "Ano sa tingin mo Erika?"

"I don't really care. Aakyat na rin naman ako." Mataray na sagot nito sabay walang pag-aatubiling umakyat sa liwanag.

"Eba?" Tingin nito sa pinakabata.

"Kayo na pong bahala. Kung ano pong desisyon ng karamihan, doon ako." Sagot ng bata. Napansin ni Clyde na mas mature ang bata manalita kesa sa mga kaedad n'ya.

Bumalik ang atensyon n'ya kay Brenda.

"Nangyari 'yon bago sumabog ang Pinatubo." Isinalaysay ni Brenda ang paraan ng pagkamatay at kung saan s'ya namatay. Napagtanto ni Clyde na ang nasaksihan n'ya sa second floor ng dungeon ay ang kamatayan ni Brenda.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now