Chapter 37, part 1 : Chaos in every corner

412 76 9
                                    

Sa presinto...

"Sino ka ba sa tingin mo? Hindi tama 'yang ginagawa mong pagbibintang sa anak ko. Mabuting bata si Noel, hija. Maaaring maloko s'yang bata pero normal lang 'yon sa edad n'yo. Pranks. Normal 'yan sa magkakaibigan. Pero ang 'di normal rito ay ang pagbintangan mong mapanakit at bully si Noel. Ipakausap mo sa'kin ang mga magulang mo. Hindi ako makapapayag na sirain mo lang ang reputasyon ng Noel ko." Mataray at mapanindak na sabi ng isang ginang kay Gaea.

"Tapos ay nagawa mo pang kumuha ng kasabwat na hunter para takutin s'ya at mga barkada n'ya upang patakbuhin nang hubo't-hubad. Asan ang konsensya mo hija? Kabataan nga naman." Napapailing at napahawak pa kunware sa dibdib ang ginang na akala mo ay sila talaga ang panig na naagrabyado. Pinahiran pa nito ng panyo ang gilid ng isang mata.

"Tama hija. Asan ang mga magulang mo? Kailangan sila rito since menor de edad ka pa lang. Hindi tayo makapag-uumpisa hangga't wala sila. Di yun patas." Turan ng pulis.

"Sir imposible po yun." Tipid na tugon ng dalaga.

"Ha? Mahihirapan tayo d'yan. Please cooperate." Medyo sumeryosong mukhang sabi ng pulis.

"Imposible po talaga, sir. They both died years ago." Pagbubunyag ni Gaea.

Mapang-uyam na tumawa ang ginang na ina pala ni Noel.

"That's it. That's explain kung bakit ganyan ang ugali mo. Nambabaligtad ka ng katotohanan. Walang nagpalaki sa'yo ng tama." Mapang-akusang sabi ng ginang.

Gaea is feeling troubled and annoyed at the same time. She is feeling troubled for her brother. Ang nakatatandang kapatid ang nagtaguyod para sa kanilang dalawa simula nang mawala ang kanilang mga magulang sa murang edad. She knew how much hardships ang napagdaanan ni Clyde para lang marating ang kinalalagyan n'ya ngayon bilang hunter. Hindi makakapayag si Gaea na madagdagan pa ito nang alalahanin. Yet she can't help it. Kailangan n'yang ipagtanggol ang alaala ng mga magulang nilang dalawa.

"With all due respect ma'am, 'wag n'yo po sanang idamay ang mga magulang ko. Please magpakita naman kayo nang respeto sa mga namayapa na." May pagtitimping pakiusap ng dalaga.

"Bakit? Totoo naman? Walang gumabay sa'yo." Mapanghamong turan ng ginang.

"Ma'am bahala po kayo kung d'yan kayo masaya. Gusto ko lang pong ipaalala sa'yong kung anong lumalabas sa bibig ng isang tao ay nagre-reflect kung sa anong uri ng pagkatao ang meron s'ya." Magalang na balik na tugon ni Gaea.

"Aba talagang." Inangat ng ginang ang kanyang palad at akmang sasaktan si Gaea. Agad naman s'yang inawat ng pulis.

"Tigilan mo 'yan. Maaaring makasuhan ka sa pagtatangka mong gumamit ng dahas. Mas malala pa n'yam ay menor de edad ang pagbubuhatan mo ng kamay." Pagpapaalala sa ginang nang nakaagapay sa kanila na pulis.

"Narinig mo naman siguro si manong pulis, 'di po ba, ma'am? Masama ho ang ginagawa n'yo. Labag po 'yan sa batas. Mukhang alam ko na po kung saan minana ni Noel ang pagiging mainitin n'ya ng ulo at 'di mapigilang silakbo ng damdamin. Isa pa po. Sana po sa susunod ay 'wag na lang nating idamay ang nananahimik. Maraming salamat." May isang maamong ngiti ang 'di nawawala sa mga labi ni Gaea habang s'ya ay malumanay na nakikipagtalastasan sa ina ni Noel.

Sa mga nakasaksi sa loob ng presintong yun sa pangyayari isa ang tumimo sa memorya nila. An angelic looking girl admirably and soundly defeated a very sophisticated looking woman with her eloquency.

Kabalintunaang masasabi kung sasabihin ni Gaea sa sariling 'di s'ya proud sa ginawa. She'll be honest with herself. She loved the look of defeat on Noel's mom face upon the realization of what she have had done.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now