Chapter 25, part 1 : Dark Resurgence predicament

991 129 14
                                    

Bam! Bam!

Bam! Bam!

Bam! Bababam!

Swish!

Swish!

Swish!

Squeak!

Squeak!

Squeak!

.
.
.

"Bigyan mo ako ng 1-2!" Malakas na utos ni Mang Jerry sa boxer na tine-train n'ya sa loob ng boxing ring.

"Lead hook!" Utos n'ya matapos i-execute ng boxer ang unang combo na inutos n'ya.

"Okay! Finish training." Deklara ni Mang Jerry ng pagtatapos ng mitt training nila.

Hinihingal na tinanggal n'ya ang mitt sa mga kamay.

Hinabol n'ya ang pababang boxer. Binuksan n'ya ang pagitan ng dalawang rope para paraanin ang kanyang boksingero.

Kasunod noon ay bumaba s'ya at dumiretso sa water dispenser.

Napabuntong-hininga si Mang Jerry nang masayaran ng malamig na tubig ang kanyang lalamunan. Satisfied s'ya sa pagpawi ng uhaw matapos ang isang nakakapagod na mitt training bilang isang boxing coach.

Nilibot n'ya ang mga mata sa loob ng boxing gym.

Napangiti s'ya ng makita ang nasa kasalungat na side kung nasaan ang boxing ring.

Doon napapamangha s'ya magagandang execution ng shadow boxing ng mga boksingero n'ya na nagre-reflect sa malaking salamin sa gym.

Hindi kalayuan sa mga nagshashadow box nandoon naman sila. Bihasa at matuling naeensayo ng mga boksingero ang kanilang footwork, endurance, coordination, at quickness gamit ang skipping ropes. Ilan lamang 'yon sa sa benepisyo ng paggamit ng skipping ropes sa mga boksingero.

Sa side naman kung nasaan ang boxing ring, sa gilid noon makikita ang paggamit ng punching bag ng iilan.

Gandang-ganda sa malalakas na tunog ng naglalakasang suntok si Mang Jerry.

Hindi kalayuan sa tabi n'ya nandodoon naman sila. Ang mga gumagamit ng speed bags.

Masaya si Mang Jerry sa nakikita. Para sa kanya ang tunog ng pagsuntok at tunog ng boxing shoes ay kahali-halina. Para sa kanya ang boxing gym ay isang langit. Nagsimula 'yon ng bata pa si Mang Jerry.

"Good morning po." Naputol ang pagre-reminisce ni Mang Jerry sa masiglang boses na 'yon.

Idinilat n'ya ang nanlilisik na mata upang alamin kung sino ang bwisit na may-ari ng boses.

Ngunit nawala ang inis n'ya ng makita ang pinagmulan ng boses at kung ano ang nasa likuran nito.

Mula sa pinto ng gym pumasok ang isang lalaki. Maganda ang pangangatawan nito. Higit sa lahat matangkad ito. Kahit saang sports ang mga atletang matatangkad ay welcome dahil sa height advantage.

Hindi lang ang lalaking 'yon ang kina-excite ni Mang Jerry. Ang mga kasamahan nitong nasa likuran n'ya ay mas 'di hamak na gifted physically.

Hindi na napansin ni Mang Jerry ang itsura ng mga 'yon. Na mga banyaga ang nasa likuran ng lalaki. Sa oras kasi na nakita ni Mang Jerry ang isang indibidwal na may potensyal ay wala na s'yang mapapansing bagay. Ang tumatakbo lang sa isip ng matanda ay kung pano n'ya sila ire-recruit.

Kumakaripas na lumapit ang matanda sa mga bagong dating.

"Welcome! Welcome! Welcome na welcome kayo sa gym na ito." Magiliw na bungad n'ya sa grupo.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now