Chapter 18, part 1 : The chase and the encounter

1K 121 17
                                    

Nakahilata si Clyde sa gilid ng base ng Dark Resurgence. Nakaunan s'ya sa ilang tipak ng batong nasira dulot ng pagtilampon n'ya sa atake ng hindi kilalang kalaban.

Gustong idura ni Clyde ang dugo mula sa bunganga. Pinigilan n'ya ang sarili. Kapag inalis n'ya ang maskara maaaring may makakilala sa kanya.

Sinubukan n'yang masahihin ang kanang panga. Iaangat n'ya sa ang kanang kamay ngunit nadiskubre n'yang wala itong silbi. Hindi n'ya iyon maangat. Kaya ginalaw n'ya na lang ang bibig.

Napasinghap ang hunter sa sakit.

"Susmaryosep! It really hurts." Ngongong pagkakasabi ni Clyde. Talagang nabasag ng matindi ang kanyang panga.

Sa lakas ng tinamong atake, walang nagawa ang pagharang n'ya ng braso. Nagpapasalamat na lang s'ya at nabuhay pa s'ya.

Nagawang tumayo ni Clyde subalit sobrang sakit ng buong katawan n'ya.

"Bang!" Rinig n'yang tunog ng pagputok ng baril ni Mark.

Napakunot s'ya ng noo. Ang tunog ay papunta sa direksyon n'ya. Pagtingin sa harapan, nanlaki ang mata ni Clyde. Paano ba naman nandyan ang isang papalapit na kamao sa kanya. Ilang pulgada na lang ang layo nito sa mukha n'ya na hindi man lang n'ya napapansin.

Nalintikan na! Sigaw ni Clyde sa loob.

Ginawa ni Clyde ang makakaya para ilagan ang kamao. Buong lakas na tumalon s'ya pakaliwa. Naka-cooldown pa ang kanyang Conceal.

Nasa isa s'yang kritikal na sitwasyon.

Matagumpay n'ya 'yong nailagan, dahil sa tulong ni Mark. Umilag ang sumalakay kay Clyde kaya lumihis ang suntok nito mula sa bidang hunter.

Pansamantalang naiwasan ni Clyde ang tiyak na pagkamatay.

Tamaan lang ako direkta isang beses noon siguradong patay ako. Kabadong konklusyon ni Clyde.

Lumingon s'ya para tumingin sa kalaban pero naagaw ang atensyon n'ya sa nakita.

Nanlaki ang mata n'ya. Sa binagsakan n'ya kanina ay may malaking butas ang lupa. Sigurado s'yang gawa iyon ng tira ni Mark.

"MARK!" Pigil na sigaw ni Clyde sa galit sa summon.

May balak ba s'yang patayin din ako? Sino ba ang tunay mong kakampi?

May ideya rin si Clyde kung sino ang sumasalakay sa kanya. Hindi lang s'ya sigurado dahil hindi n'ya pa nakikita ng harapan ang kalaban.

Kanina ay tanging ang lumilipad na kamao lang ang nakita n'ya.

Hindi naman s'ya magtataka kung ang taong hinihinala nga n'ya ay ang bagong dating na kalaban.

Sa ngayon ang importante ay mailayo muna n'ya ang sarili sa panganib.

Tumakbo si Clyde palayo sa kalaban.

He is bidding for time.

Kailangan n'ya ang Conceal para mabaligtad ang sitwasyon na ito.

Habang tumatakas narinig na naman n'ya ang pagputok ng baril ni Mark. This time napaghandaan n'ya 'yon. Gumulong s'ya.

"Bang!" Tunog ng pagsabog ng lupa sa pinangalingan ni Clyde.

Napansinhap si Clyde sa sakit. Tumama ang durogan n'yang braso. Pero wala s'yang panahon para alintanain 'yon. Kung iintindihin n'ya 'yon malamang sa malamang ay mamatay s'ya.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now