Chapter 12, part 2 : Mark 'to kill' Liu

1.4K 144 12
                                    

Kasalukuyang nag-uunab ng isasaing si Mang Tiburcio nang may kumatok sa pintuan n'ya.

Nagpunas ito ng kamay at tumungo sa direksyon ng pinto.

"Clyde kakaalis mo pa lang bumalik ka na a--" Sabi ni Mang Tiburcio habang binubuksan ang pintuan.

"Sino kayo?" Kunot-noong tanong ni Mang Tiburcio. Ang kanyang pinto ay hininto n'ya sa kalagitnaan ng pagbubukas.

...

Sa parehong panahon at oras, sabay-sabay naglalabasan ang mga estudyante sa isang high school campus.

"Bye Gaea/class president! Mag-iingat ka sa pag-uwi." Sabi ng karamihan ng kaklase ni Gaea.

Lumabas ito ng classroom.

"Hi/Hello Gaea!" Bati sa kanya ng mga nakakasalubong na estudyante.

"Hi rin!" Ganting sagot ng dalaga.

"Good afternoon kuya Nardo." Masiglang bati nito sa guard na nagbabantay sa gate sa kasagsagan ng labasan ng mga estudyante.

"Good afternoon din, Gaea. Ingat sa pag-uwi." Masiyang sagot ng gwardya.

Paglabas ng eskwela, nag-umpisa itong lumakad pauwi sapagkat malapit lang ang inuuwian sa pinapasukan.

Maya-maya pa, "Sino ka?" Paatras na tanong ni Gaea.

...

Nagkakagulong pumulas sa iba't-ibang direksyon ang mga nilalang palayo sa galbanisadong kalsada ng syudad. Kasalukuyan kasi itong binabaybay ng isang moving mini forest. Sa bawat pagdaan ng mini forest ay ang s'ya namang pagyanig ng lupa.

Ang isang maliit na nilalang ay natumba sa kalagitnaan ng kalsada. Isa itong bipedal na nilalang. Kung umasta at mamuhay ito ay para bang isa itong tao. Mapapagkamalan talaga itong isang tao sa pagkakabikas. Ang pananamit nito ay pamilyar din. Nakasuot ito ng isang pares ng pantalon at polo na pang-opisina.

Ang malaking kaibahan lang ay ang itsura nito. Meron itong tig-isang pares ng kakaibang mga kamay at paa. Pareho itong maikli at patulis na para bang pang-insekto. Ang ulo nito ay pabilog na may pares ng antena.

Nagmamadali itong tumayo sa pagkakadapa. Nang ito ay pasibad na, napahinto ang nilalang. Tumingin ito sa ibaba n'ya. Sa dibdib nito, nakita n'ya ang nakatarak na matulis na sangga ng puno.

Nang hugutin ng treant ang sangga, parang isang sarangolang napatiran ng sinulid na bumulusok sa lupa ang nilalang.

Kasalukuyang sunod-sunod na nangyayari ang kaparehas na sitwasyon sa mala-syudad na dungeon.

Hiyawan ng bipedal na mga insekto ang maririnig sa maluwag na syudad. Dahil sa kaguluhan, nabulabog ang mga 'yon. Unti-unti silang naglabasan. Mula sa matatayog na gusali. Sa mga mamahaling kainan. Sa mga high-end na pamilihan at sa kung saan-saan pang establisyimento.

Hindi nagtagal dumagsa ang mga 'yon. Ito ay ang bata-batalyong mga bipedal na insektong nakabaluti. Medyo iba rin ang kanilang mga kamay kesa sa normal na mga bipedal na insekto. Mas mahaba na para bang pares ng lance. Pawang nakasakay rin ang mga ito sa higanteng mga suso.

'Di nagtagal napahinto ang pagsulong ng mga treant. Hinarang sila ng mga ng mga kabalyerong insekto. Sumabog ang isang umaatikabong bakbakan sa pagitan ng dalawang panig.

Di hamak na mas malalaki ang mga treant. Samantalang lamang naman sa bilang ang mga insektong kabalyero.

Namamatay sa isang tira ang bawat insektong kabalyero tirahin ng sangga ng mga treant.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now