Chapter 4 : Each, everyone's respective Christmas

2.2K 167 5
                                    

"Maraming salamat!" Taos sa pusong pasasalamat ng kaluluwa ng isang asong kamamatay pa lang kay Clyde.

Isa kasi ito sa mga hayop na nililinis niya ang kaluluwa upang makatawid sa kabilang buhay ng matiwasay. Kanina habang pauwi sila ng kapatid, pinag-iisipan na ni Clyde kung paano n'ya makukumpleto ang daily quest sa araw-araw.

Dahil parehas sila ng kapatid na mahilig at mapagmahal sa mga hayop, alam na n'ya kung ano ang gagawin. Subalit kailangan pasikreto n'yang gawin 'yon. Hindi pwedeng paalam sa iba ang ginagawa n'ya. Dahil may posibilidad pa rin na malaman nila ang tungkol sa bagong kapangyarihan.

Matapos nga maisip ang plano ay namahinga lang s'ya sandali bago umalis ng bahay. Hindi n'ya 'yon maaaring ipagpabukas sapagkat napakadelikado ng penalty zone. Muntik na s'yang mamatay doon. Sisiguruhin n'yang hindi na s'ya babalik doon.

Nagpunta s'ya sa mga dog pound. Doon nakita n'ya ang kalagayan ng mga asong kalye na kadalasan ay mga aspin o asong pinoy. May mga baldadong aso. May mga buto't-balat. May mga pinagmalupitan. At kung ano-ano pang kaawa-awang sinapit. Higit sa lahat siksikan at napapabayaan na. Mabaho ang kulungan at marurumi. Karamihan sa kanila masasabi mong depress na rin sa kanilang sinapit. Para bang nawalan na ng gana sa buhay.

Kinausap niya ang ilang may-ari ng mga pound na napuntahan. Nagreklamo s'ya sa pamamalakad nila. Pinagtawanan lang s'ya ng mga ito at may gana pang magyabang.

"Wala ka namang magagawa sa mga 'yan. Mga perwisyo 'yan sa kalsada. Pasalamat nga ang mga 'yan pinapakain pa sila. Pero saglit lang 'yan. I-euthanize rin ang mga 'yan." Mayabang na sabi ng lalaking may-ari na talaga namang ikinapuyos ng damdamin ni Clyde.

"Tsaka mga hayop lang 'yan. Masyado kang emosyonal. Lalaki ka bang talaga?" Panunuya ng may-ari ng pound. Hindi na rin ito naiba sa usapang nangyari sa kanila ni Crooked Nose dati. Isang stereotyping na kapag may kabaitan o awa ang isang lalaki ay kinukwentiyon na ang kasarian.

"Alam n'yo po ba na lahat ng nilalang ng Diyos ay may karapatang itrato ng tama sa mundo?" May diing tanong ni Clyde sa lalaki.

Ang mga magulang kasi nina Clyde ang nagturo sa kanila noon. Pati na rin sa eskwelahan niya rati. Naalala pa niya ng grade one s'ya sa kanilang religion class, sabi sa libro na dapat ang bawat nilalang ay pahalagahan. Sa tingin n'ya common sense na 'yon, pero later on, habang lumalaki s'ya nadiskubre n'ya na hindi ganoon ang karamihan ng mga tao. Tulad na rin ng mga kasulatan sa Bibliya. Gaya ng Ecclesiastes 9: 4.

Karamihan ng bagay sa mga tao ay pagkakakitaan lang. Ang mga kriminal nga ay nagagawa pang pagkakitaan ang kapwa tao. Human trafficking. Pagbebenta ng mga internal organ ng kapwa. Scamming. Pagnanakaw. Pagbebenta ng drugs. At kung ano-ano pang kasamaan na hindi na n'ya saulado pa. Kaya hindi na rin s'ya nagtaka na ganoon din talaga sila sa mga hayop.

Hindi ba't marami ng uri ng hayop ang tuluyan ng nangawala sa mundong ibabaw? At patuloy pa ring dumarami ang nanganganib na tuluyan ng mawala. Hindi ba ang mga tao rin naman ang dahilan nito?

Mauunawaan pa naman ang pangangalangan ng pagkain. Pero hindi tama ang pagdudulot ng global warming na tumutunaw sa yelo ng Antartica kung saan nasisira ang tahanan ng mga hayop na naninirahan doon na sanhi ng kanilang kamatayan.

Ang panggangaso sa mga hayop para sa isang uri ng laro o porma ng kasiyahan. Kahit kailan hindi magiging tama ang pagkitil bilang sport or game.

Pagbili ng mga hayop na para bang mga bagay lang ito at matapos pagsawaan ay itatapon, mamaltratuhin, pababayaang magutom, mainitan, o iresponsableng pag-aalaga. Ang pinakamasaklap ay ang pagpatay sa kanilang mga walang kalaban-labang nilalang.

Higit sa lahat. Ang pagnakaw sa kanilang tahanan dahil na rin sa unti-unting paglaki ng populasyon ng mga tao. Ang mga magulang na anak ng anak na hindi naman kayang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga supling.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now