Chapter 20, part 1 : True alpha and the army of werewolves

863 124 15
                                    

Shootout kay Yong_01

...

"Wow!" Reaksyon sa pagkamangha ng mga taong-lobo sa Dimensional realm.

Nakakalat sila sa paligid ng higanteng puno sa loob ng realm. Hindi magkamayaw ang papuring pinawawalan nila sa lawak at ganda ng realm.

Bilang master ng Holymancer general na si Eba, hindi mapigilan ni Clyde na makaramdam ng galak.

Isang ngiti ang sumilay sa labi ng hunter habang nakasandal s'ya sa higanteng puno.

Kuntento itong sumimsim ng mainit-init pang tea sa kanyang inuman.

Dahil good mood pansamantala nitong ni-lift ang istriktong diyeta. Nilabas n'ya ang isang malaking gawa sa plastik na garapon mula sa system storage.

Pinihit n'ya ang takip nito.

Sa ginawa, biglang tumahimik ang paligid.

Nagalawan ang mababalahibong tainga ng mga taong-lobo. Nagsipagsinghutan ang mga sentisitibong ilong ng mga taong-lobo.

Walang kamalay-malay si Clyde na nakapalibot na sa kanya ang mga mababangis na taong-lobo.

Nakasuksok ang kamay n'ya noon sa garapon ng mapapiglas s'ya sa gulat.

Nakita n'ya ang daan-daang mababangis na taong-lobong nakapaikot sa kanya.

Nawala ang nakaka-intimidate na presensya ng bawat isa sa kanila. Lahat sila ay tila mga maaamong asong naglalaway sa harapan n'ya.

Mapaklang napatawa ang hunter. Tila nagliwanag ang isang bumbilya sa kanyang kaisipan.

Pumasok ang ideya ng kapilyuhan.

Dumukot s'ya gamit ang mga daliri sa garapon. Marahang inangat ang kamay mula sa lalagyan. Makaraang makuha ang laman, isinubo n'ya ang nasa pagitan ng mga daliri.

Marahang ginalaw ni Clyde ang mga panga. Kasabay ng malutong na tunog ng pagkadurog ng pagkain sa kanya bibig ay ang s'yang pag-asunto ng katamisan sa kanyang panlasa.

Sa paligid n'ya, habang ngumunguya narinig ni Clyde ang sunod-sunod na paglunok.

Habang unti-unting ninanamnam ni Clyde ang katamisan, inilahad n'ya ang garapon sa harap ng mga taong-lobo at sinabing, "gusto n'yo?"

Nanlaki ang mga mata ng mga taong-lobo. Nang ma-realize nila ang tanong ng kaharap na tao ay matahas nilang tinaas-baba ang kanilang mga ulo. Ang iba ay hindi mapigilan ang malagripong pagdaloy ng laway sa mga bibig. Kahit anong punas ng kanilang mga braso sa bibig ay wala iyong silbi.

Isang ngiting tagumpay ang sumilay sa labi ni Clyde. Mas higit ang reaksiyon nila sa kanyang inaasahan.

Mukhang mapapadali ang negosasyon.

Binawi n'ya ang nakahayang kamay na nagpalugmok sa mga taong-lobo.

"Pero hindi ba masama para sa inyo ang tsokolate?" Tanong ni Clyde sa mga ito.

"Anong akala mo sa'min, mga aso?" Hindi alam ni Alexander kung maiiyak o matatawa ba s'ya sa tanong ni Clyde.

"O? Hindi ba?" Nagpipigil na tawang panti-trip ng hunter sa mahihiwagang nilalang.

"Oo naman." Napapakamot sa ulong sagot ni Alexander. Hindi nakalampas ang mumunting laway sa labi ni Alexander sa paningin ni Clyde.

Ibang level talaga ang isang alpha. Kaya nilang itago ang kanilang kahinaan.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now