Chapter 29, part 3 : Start of a fall

731 98 3
                                    

"Ikaw!" Nagngingitngit na turan ng nakasubsob na si Raymond.

"Ako nga." Nakangising sagot ni Clyde. Hawak-hawak nito ang nakadukdok na ulo ng kalaban.

Hindi magkamayaw ang pagtulo ng tubig sa katawan ni Raymond mula sa basang kamay ni Clyde.

Hindi pa man nagtatagal ay naglusak na sa paligid ng dalawang rank S hunters.

"Paano ka nakapasok dito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Raymond sa mortal na kalaban.

"Paano nga ba?" Hindi matinong pagsagot ni Clyde rito.

Ang kamay n'yang nakahawak sa likuran ng ulo ni Raymond ay nababalot ng asul na awra kagaya ng sa buong pangangatawan n'ya.

Unti-unting natutuyo ang basang katawan ang damit ng Holymancer.

Bahagyang tumingala si Clyde at inalala ang nangyari kanina.

.
.
.

Makaraang dumaan ni Clyde sa maputik na lagusan ay madali n'yang minasdan ang kabuuan ng dungeon.

Napagtanto n'yang isa itong latian.

Patag at madamong lupa na may mga anyong-tubig sa paligid.

Binalik n'ya ang tingin sa lagusan kung saan nagsisimula ng lumitaw ang mga binti ng mga hunter ng Dark Resurgence.

Hindi pabor sa kanya ang pagkakataon. Nauubusan na s'ya ng oras. Malapit na ring matapos ang Concealed state n'ya. Kaya naman napilitang magdesisyon si Clyde.

Tumalon s'ya sa tubig ng latian. Kasabay noon ang pag-activate nito ng shield mula sa pagsusuot ng Aegis robe.

Sa ilalim ng latian ay nagmamadaling lumangoy si Clyde paibaba.

Nang sa palagay n'ya ay sapat na ang lalim n'ya para maitago ang kanyang presensya, huminto si Clyde.

Ibinaling n'ya ang kanyang katawan paharap sa ibabaw ng latian.

Sakto namang natanaw n'ya ang nagsisipag-angatang mga halimaw ng dungeon.

Ang mga halimaw na 'yon ay reptilyang bidepal. Mga butiking nakakatayo sa kanilang dalawang mga paa. Meron ding dalawang kamay ang mga nasabing halimaw.

Napansin n'ya ang pagbabato ng isang lizardman sa isang sibat paitaas.

Hindi man tanaw ni Clyde ang nasa ibabaw ng latian, isa lang ang nasisiguro n'ya, nakarating na ang mga hunter ng Dark Resurgence sa loob ng dungeon.

Hindi naman nagtagal ay hindi na rin makapag-relax ang ating bida.

Hindi n'ya agad namalayang nawala na ang kanyang Concealed state sa tindi ng konsentrasyon n'ya sa pag-oobserba.

Sinalakay s'ya ng ilang dosenang lizardmen. Mabuti na lang ay suot-suot n'ya na ang kanyang Aegis robe. Otomatikong nagtayo ng shield ang robe na sumalag sa mga pag-atake ng mga reptilyang halimaw.

Seryosong hinarap ni Clyde ang mga lizardmen.

Sabay n'yang ginamit ang Earth cage at Earth needle sa mga papalapit na lizardmen.

Hindi naging mabisa ang kanyang magkasabay na pag-atake.

Hindi ininda ng lizardman na tinamaan ang Earth needle. Samantalang ang Earth cage ay winasak lang ng lizardman, hindi man lang nitong nagawang i-delay ang tinarget ng Earth cage.

Matapos ng pag-atakeng 'yon may napagtanto si Clyde.

Mas mahirap sa inaasahan n'ya ang isang water battle lalo na kung teritoryo ito ng mga kalaban.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now