Chapter 41, part 1 : Holymancer Army Respective Whereabouts

495 69 9
                                    

Ang siyudad ng Sejong ay dumaranas ng matinding kababalaghan.

Sa isang banda nito ay may 'sang malaking grupo ng mga nakaputing roba ang sistematikong bumabaybay sa nagkakagulong kabihasnang ito.

Sa bawat pagsulong nila'y nagsisisunuran mula sa iba't-ibang direksyon ang mga nilalang na kung tawagi'y Bul-gae. Ang mga nilalang na ito'y may anyong aso ngunit tunay na matatawag na mga halimaw dahil sa naiiba nilang katangian. Itong mga halimaw na mula sa mitolohiyang Timog Korea na kung tawagi'y Bul-gae ay nababalot ng mga apoy. Di sila nasasaktan sa kanilang mga apoy 'pagkat orihinal na parte na 'yon ng kanilang pagkakakilanlan.

Sa bawat pagdikit ng bawat isang Bul-gae ay trahedya ang kanilang sinasapit. Pulos sila'y nagkakamatay, nagkakagula-gulanit sa pagsubok nila sa kanila.

Hindi tumitigil sa matuling pag-abante ang mga nakaputing robang 'yon sa kabila nang masidhi nilang pagkitil sa mga Bul-gae.

Kaalinsunod nang pagkakakitil nilang 'yon sa kanila ay ang s'ya namang pagliliwanag sa likuran ng nakarobang mga mandirigma. Tila ang kalangitan ay nagpapahiwatig na ang mga mandirigmang 'to ang magsisilbing liwanag sa kadilimang ngayo'y bumabalot sa buhay ng mga taga-siyudad ng Sejong.

Humahawan ang Solar Eclipse sa mga bandang 'yon.

Nag-iwan nang limpak-limpak na bangkay ng Bul-gae ang malaipo-ipong dating at alis ng nakaputing robang mga mandirigma.

Sa bawat engkwentro nilang nasasagupa'y meron at merong ilang residente ng kabihasnan ang kanilang nasasagip.

"Maraming salamat," iyan ang unang linyang laging lumalabas sa bibig ng mga nailigtas. Iyon ay may kaagapay ring mga pagtangis. Ang bawat isang nakaalpas sa trahedyang 'to sa tulong ng grupo nina Eba at ng clones ng mga taong-lobong alagad n'ya ay pawang nangawalan ng mga mahal nila sa buhay.

Ang batang unang nailigtas nina Eba at ng clone ni Alexander ay talaga namang gumulat sa dalawa.

Masyado itong mature para sa kanyang edad. Kawawala pa lang ng mahal n'yang ina sa buhay ngunit nagagawa n'yang magpakatatag.

Ang bata'y nakatingin sa mga higanteng nailigtas ng grupo ng mga higanteng nakarobang puti sa sarili n'yang perspektiba.

Nilalapitan ng bata at sinasamahan pa nang pag-aalo ang nawalan ng mga mahal nila sa buhay dahil sa trahedyang 'to. Di nito inaalintana o iniinda ang matinding pagkasindak sa mga bagong ligtas na higante. Tinitiis nitong bata ang takot n'ya sa nag-aalingawngawan nilang mga sigaw.

May naawang ngiti ang nakapaskil sa labi ni Eba habang pinagmamasdan n'ya ang kaganapan. Kung titingna'y maihahalintulad mo ang mga komprontasyon sa naging tunggalian nina David at Goliath na nakalathala sa Bibliya. Higit sa lahat ay lubos na nauunawaan ni Eba ang bata. Nagawa ng batang kalimutan ang kanyang responsibilidad nang pagsisiya bilang isang bata. Napwersa ito ng sitwasyong mag-mature nang wala sa kanyang schedule.

Eba couldn't help but be proud of the brat that was forced by his situation to mature prematurely.

Para naman sa clone ni Alexander na nakatuon din ang atensyon sa batang iniligtas, walang bahid emosyon ang kanyang mukha. Gaya ng sa orihinal na Alexander, ang clone n'yang ito'y isa ring taong-lobong hinubog na nang panahon. Di ito basta-basta naaapektuhan ng mga bagay-bagay sa kanyang paligid. He don't easily feel empathy. He don't really get attached as easily, for he knew that life was really flimsy. It can be lost but in a heartbeat.

Alexander's clone knew that dipping oneself and being attached to things just to lose it in the process will unnecessarily put one in an unnecessary state of pain. He strictly adhere to this belief.

"Walter, Lilith, Zigmund, Uta, Yaniv, Xerxes, Talal, Javed, Cloud, Grigori, Oscar, Brent, Vulcan, Nicola, Evelyn, Phichai, Manan, Hasan, Isabeli, David, Fernando, Kristiano, Qasim, Rain, Storm!" Maotoridad na pagbabanggit ni Alexander (clone) sa dalawampu't-limang mga pangalan. Ang iba'y pamilyar ang mga pangalan, ang iba nama'y mga bago.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now