Chapter 1: Ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan

9.8K 320 29
                                    

"Sigurado ka na Clyde? Hindi na ba mababago ang desisyon mo? Buo tayo ng party like usual?" Basa ni Clyde sa mensahe.

Ramdam niya rito ang pag-aalala.

Ang pag-uusap ay kasalukuyang nagaganap sa isang sikat na chatting platform.

Mula ito kay Jake. Isa sa kakaunti ngunit tunay na kaibigan ni Clyde.

Dahil dito isang buntong-hininga ang kusang kumawala sa bibig niya.

Imbes na makaramdam ng kasiyahan sa pagkakaroon ng maaasahang kaibigan, kasalungat nito ang kanyang nadarama.

Siya ay nahihiya sapagkat hindi alintana ni Jake ang mga kaakibat na problemang dala ng pakikihalubilo kay Clyde. Patuloy lamang ito sa pagiging kaibigan ni Clyde sa kabila ng mga kamalasan sa buhay ng kaibigan.

Hindi kayang suklian ni Clyde ang mga naitulong nito sa kanya ngunit patuloy lamang si Jake sa pagtulong sa kanya nang walang hinihintay na kapalit.

Isa pa, pinag-iinitan si Jake ng kanyang mga kasamahan sa guild dahil na rin sa kanya. Hindi lang naman siya ang dahilan ng galit ng mga ito sa kaibigan, pero kabilang pa rin siya sa mga dahilan.

Nagseselos sila kay Jake dahil lubos na pinahahalagahan ito ng kanilang guild leader. Kaya naman espesyal ang pagtrato nito sa kaibigan ni Clyde. Mas maluwag sa mga patakaran ang leader kay Jake.

"Common Sense na dapat i-tratong mabuti ng guild leader nila si Jake. Sapagkat malaki ang ambag nito sa kanilang grupo. Isa siya sa mga pinakaimportanteng miyembro ng guild. Malakas siya. Isang Class A hunter. D'yan pa lang kahit saan mo dalhin ang lalaki ay magiging VIP na s'ya. Ang mga rank A hunters ay ang pinakamalakas na mga hunter maliban sa mga maalamat na rank S Hunters.

Idagdag mo pa rito ang ibang mga ambag nito sa guild.

Tumaas ang kita ng kanilang guild. Maging ang impluwensya at mga koneksyon ng kanilang guild ay lumawak. Nagkakandarapa't nag-uunahang magsilapitan ang mga sponsors para magkaroon ng kontrata sa kanila na muktik ng umabot sa punto ng pagmamakaawa.

At kung sasabihin sa'yong ang lahat ng progreso ng kanilang guild ay dahil na rin sa tulong ng kanyang kakisigan, siguradong hindi ka maniniwala at iisiping ito'y pawang kabalintunaan lamang. Pero yun ang hindi kapani-paniwalang katotohanan.

Madalas din siyang lumabas sa mga t.v. commercials at mga endorsements na nakakatulong sa maintenance ng kasikatan ng guild.

Ang pinakahuli ay ang pagrami ng hunters na sumasali sa guild.

Ang kanilang kaso ay masasabing unique.

Karamihan sa kanilang mga miyembro ay kababaihan.

Kung susuriin sa buong bansa'y masasabing ang guild nila ang may pinakamaraming hunters na babae. Maliban na lang sa mga guilds na ekslusibo sa mga babaeng hunters.

Samantalang ang mga major guilds maging sa labas ng bansa ay halos nadodomina ng mga kalalakihan. Sa hindi maipaliwanag na bagay, mas maraming nagigising ang kapangyarihan bilang hunters na lalaki kesa sa babae.

Hindi ko alam kung may kinalaman ba ito sa pinagkaiba ng nature ng babae at lalaki. Maaari kayang ito'y dahil submissive or timid ang karamihan ng mga babae by nature? O dahil mas malakas lang talaga ang drive ng mga lalaki sa mga nais nilang makamit?

At base na rin sa research ko sa world wide web, sa isang reliable source, pito sa sampung nakakagising ng kanilang kakayahan bilang hunter ay kalalakihan. Malinaw sa 7:3 ratio na lamang ang populasyon ng mga lalaking hunters. Well, at least 'yan ang sitwasyon sa Pilipinas.

Ibig sabihin, malaking bahagi ng populasyon ng mga babaeng hunter sa Pilipinas ay napupunta sa kanilang guild.

At nakakamanghang isiping sa gitna ng mga pangyayaring 'yun, ang kaibigan kong si Jake ang nasa sentro." Pagmamayabang ni Clyde sa kanyang isip. Proud na proud sa mga achievements ng kaibigan.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now