Chapter 8, part 1 : Vengeance of the wronged

1.3K 125 6
                                    

They say people can see flashes of memories as they were on the brink of death.

.
.
.

"Bitawan mo ko Clyde!" Alingawngaw ng malutong na tunog ng paghampas ni Angel sa braso ni Clyde.

Dahan-dahang lumuwang ang mahigpit na pagkakakapit n'ya sa palapulsuhan ni Angel. Hanggang sa unti-unti na nga n'yang bitawan ang kamay ng dalaga.

Mas pinili n'yang palayain ang kaibigan. Nakita n'ya kasi ang sakit sa mga mata ng babae. Alam n'yang buo na ang pasya ng kaibigan.

Sa pagbagsak ng kamay ni Clyde hudyat ng kanyang pagsuko ay s'ya namang pagtalikod ng dalaga.

Nagmadali itong tumakbo palayo.

Tungo sa bagay na alam n'yang pinakamagpapasaya rito. Habang papalayo ang babae, may malungkot na ngiting nakatitig si Clyde sa papaliit na likod ng dalaga.

...

"Mr. Clyde Rosario ikinalulungkot kong sabihing sa'yong isa sa mga nasawi sa dungeon outbreak ang inyong mga magulang." Natulala si Clyde sa masamang balita. Kahit binaba na ng kabilang linya ang tawag, hawak pa rin n'ya sa tapat ng tenga ang telepono.

...

"Get out of this place now!" Sigaw ng isang sopistikadang ginang kay Clyde.

Sa gilid ni Clyde hawak-hawak n'ya ang isang batang Gaea. Pumapalahaw ito sa iyak sa nasasaksihan.

Nanginginig ang kalamnan sa matinding galit at lungkot si Clyde. "Pero tita --"

"Wag mo kong matita-tita!" Pagsabat sa kanya ng ginang. Habang tumatagal lalong lumalakas ang palahaw ng batang Gaea.

"Pero kapatid po kayo ng tatay ko." Nagpipigil ng luhang saad ni Clyde. "Kami po ang pamilya n'yo. Dapat kami ang kampihan n'yo. Hindi 'yung nagpapauto kayo sa ibang tao." Nagngingitngit na dugtong pa n'ya.

"Kampihan? Hindi ba buong buhay n'yo ako ang nagpapalamon sa inyo? Aber?" Nanlalaking-matang paninindak sa kanya ng ginang.

"Pero tita 'wag mo naman po kaming palayasin sa sarili naming bahay. Lalo pa't kamamatay lang ng nila papa." Lumuhod si Clyde sa harapan ng ginang. Kahit na labag sa loob. Nanginginig sa kahihiyan ay nilunok n'ya 'yon para sa kapatid.

Sinipa siya nito sa tuhod. "Anong gusto mo? Palamunin ko kayo habambuhay ng kapatid mo? Ano ka swineswerte?"

"Sige tita, aalis kami pero 'wag muna po ngayon. Pabayaan mo muna akong makahanap ng trabaho." Kapit nito sa damit ng tiyahin.

"No. I already said no. Get out! Get out bago ako maubusan ng pasensya. Get out bago ko kayo ipadampot sa barangay. Just get OUT of my damn sight! NOW!" Galit na galit na sabi nito.

Alam ni Clyde sa puntong itong wala na s'yang magagawa. Kaya imbes na mas lalo pang bumaba ang tingin sa sarili, minabuti na s'yang umalis at 'wag ng magmakaawa pa.

Tumayo si Clyde. Dinampot ang kaunting nagkalat na damit nila sa lupa. Ito lang ang mga nakuha n'ya bago sila paalisin sa loob ng sariling bahay.

"Tara na Gaea." Malamig na tonong utos ng nakatatandang kapatid. Napatigil ang nakababatang kapatid sa pag-iyak. Naramdaman siguro n'ya instinctively ang nakakaginaw na poot sa tono ng boses ng kuya.

Sa daan palabas nakita n'ya ang kumpulan ng mga usisero't usisera. Bahagya s'yang napahinto ng mapansin ang ilang pamilyar na pigurang nakahalo sa dagsaan ng tao. Sila ang mga nag-brainwash sa kanyang tiyahin. Mga naituring pa man din nilang mga kamag-anak, pero sila pa ang nakagawa ng ganoong pang-aagrabyado. Kahit pinipigilan, kita ni Clyde ang saya sa mga mata nila sa sandaling nagsalubong n'ya ang mga mata nito.

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon