Ang unang apostol : Kaiyo

982 128 30
                                    

Bagong buhay, bagong bahay, 'yan ang kinagisnan kamakailan lang ni Kaiyo.

Matagal na panahon na rin ng huling maging positibo ang pananaw ng babaeng hunter.

Hindi n'ya maiwasang umasa. Binigyan s'ya ng isang lubid na makakapitan ng kanyang master sa panahong umabot na s'ya sa kasukdulan. Panahong sa lagay n'ya ay naghihintay na lang s'ya ng kamatayan sa madilim at maduming sulok ng black market. Sa panahong nalulugmok s'ya sa pagkaalipin ay inilayo s'ya ng kanyang tagapagligtas sa mala-impyernong lugar na 'yon.

May pinangako s'ya sa sarili sa panahong 'yon. Kahit anong mangyari, magiging tapat s'ya sa kanyang master. Kahit pa nangangahulugan itong kailangan n'yang isakripisyo ang buhay n'ya para rito.

Bonus pang lubos ang kabaitan nitong si Clyde na kanyang master.

Pinangakuan s'ya nito ng kalayaang sinumang alipin ay inaasam. Pero alam n'ya sa sariling ito ay isang pangarap na suntok sa buwan sa lahat ng alipin. Sadyang lang kakaibang master ang napuntahan n'ya. Sa unang pagkakataon, hindi n'ya kinamumuhian ang pagiging alipin.

Mapakawalan man s'ya ni Clyde o hindi, sapat na sa kanya na tinatrato s'ya nitong tao.

Sinisiguro ni Kaiyo na susuklian n'ya ang lahat ng kabutihang pinakita sa kanya ni Clyde.

Kamakailan din lang, binigyan s'ya ni Clyde ng isang mabigat na tungkulin. Ang pamahalaan ang bagong bili nitong bahay at lupain. Kabilang na roon ang negosyong binabalak nito sa lugar.

Hindi malaman ni Kaiyo ang iaasta. Magiging masaya ba s'ya? Malungkot? O matatakot?

Masaya 'pagkat magkakaroon s'ya ng silbi para sa master. Malungkot dahil hindi n'ya mababantayan ang master upang protektahan sa kasamaan. Matatakot dahil meron s'yang irasyonal na pangamba, na si Clyde ay naglalaro lang sa negosyo at kinuha s'ya bilang tagapangalaga ng negosyo. Sa oras na manawa ay ititiwangwang n'ya na ang lugar kasabay ng pag-abandona sa kanya.

Alam n'yang masyado lang s'yang nag-iisip ng masamang ideya dahil sa takot na maabandona.

Marahang sumimsim sa tasa ng mainit pang kape si Kaiyo.

Nitong mga nakaraang araw, hindi n'ya magawang matulog ng mahimbing.

Marahil dahil 'yon sa pagkakalayo n'ya sa master na nagligtas sa kanya.

Ano na kayang ginagawa ng aking master? Nababagabag na tanong sarili ng babaeng alipin.

Pero hindi pa rin mapakiwari ni Kaiyo kung paano nagagawang ipagkatiwala sa isang aliping gaya n'ya ang isang importanteng trabaho ng kanyang master na si Clyde.

Paano na lang kung hindi n'ya 'yon magawa? Ibabalik kaya s'ya nito sa pinagmulang impyerno?

Maya-maya pa narinig na lang n'ya ang nagsisipagtilaukan ng mga manok.

Hindi namalayan ng babae ang pag-uumaga. Si Kaiyo ay masyadong naging abala sa mga iniisip sa kanyang hinaharap.

Nang mapagtanto ng babae na umaga na, matulin itong tumayo.

Binukas ni Kaiyo ang bintana sa payak na bahay sa gitna ng kabukiran.

Saktong sumilay sa kanya ang pagputok ng bukangliwayway.

Napapikit si Kaiyo. Marahan n'yang ninamnam ang paglasap sa sariwang amoy ng hangin.

Sa muling pagdilat, isang magandang surpresa ang sa kanya'y bumungad.

Ang kanyang master na si Clyde ay papalapit na kumakaway sa kanya.

Isa lang ang nasisiguro ngayon ni Kaiyo sa pagkakita n'ya sa papalapit na si Clyde.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now