Chapter 7, part 1 : Mga pagyanig, stampede at witch hunt

1.9K 132 6
                                    

Lagaslas ng tubig at huni ng mga ibon ang naririnig sa paligid.

Kinukusot ni Clyde ang isang sapatos sa tubig. Kinuha n'ya rin ang tuyong putol na sanggang nadampot n'ya kanina. Umupo s'ya sa dalampasigan. Ginamit n'ya ang tuyong sanga para alisin ang mga natuyong putik sa ilalim ng sapatos. Kuskos dito, kuskos doon. Kapag natuyo ang tubig ay muli n'yang ilulublob ang sapatos bago ulit ito linisin.

Matapos ang sapatos, nilapag n'ya ito para patuyuin sa isang malapit na batuhan. Nandoon ang kaperas ng sapatos n'ya. Hinubad naman n'ya ang suot na pang-itaas para labhan. Matapos noon ay ang kanya namang pang-ibaba ang inalis para linisin.

Nang nagawa na n'yang labhan ang mga damit ay s'ya namang talon niya sa ilog.

.....

Flashback

Kanina lang, ang sumalubong na tanawin kay Clyde paglabas n'ya ng portal ay isang normal na lugar?

Puro lupain ang matatanaw mo sa paligid ni Clyde. Kulay tsokolateng lupa at kulay luntiang mga halaman. Meron ding maliliit na iba't-ibang kulay sa malayo. Hindi pa n'ya malamang kung ano 'ton sa ngayon.

Dahil maingat na hunter si Clyde ay agad n'yang prinotektahan ang sarili.

Sinummon n'yang muli ang lima. Sa harapan n'ya si Alejandro.

Sa ibabaw naman n'ya ay ang pares ng killer cockroach. Si Freddy Cock-Roach at ang bagong summon na si Money. Sila ang bahalang dumepensa sa mga atake sa ere.

Sa likuran naman ang dalawang great worm para depensahan ang kanyang blindspot. Sila sina Juan at Dos. Ang dalawang ito ang bahala sa mga atake mula sa ilalim ng lupa at sa likuran ni Clyde.

Si Lupin at Wakiza naman na pawang mga gigantic rat ay sa kabilaang gilid ni Clyde upang dumepensa o umatake depende sa hinihingi ng sitwasyon.

Naglakad lang s'ya para hanapin ang daan sa susunod na palapag o boss room bilang kanyang hangarin.

Kung ikukumpara n'ya ito sa napuntahan na n'yang mga uri ng dungeon, masasabi n'yang masyado ito ng normal. Para bang isa lang payak na rural sa labas ng dungeon. Akala mo ay isa itong hacienda o bukirin.

Sa dungeon kasi ni Red, bibigyan ka nito ng atmosphere na alam mong isa itong magical na lugar. Kung idi-describe mo ito sa simpleng paliwanagan, ang pinakawastong mga salita ay enchanted forest.

Doon naman sa may penalty zone ay may vibes na wildness. Ito naman ay parang wilderness. Unang sulyap pa lang masasabi agad na mag-aapply doon ang survival of the fittest rule.

Hindi nagtagal ay nakarating s'ya kung nasaan s'ya ngayon. Isang anyong tubig na may hindi kontaminadong tubig. Nang sinukat n'ya ang anyo nito ay napagtanto n'yang isa itong ilog. Hindi lang ito is ang ilog. Isa itong napakahabang ilog.

May excitement na lumapit doon si Clyde. Nanlalagkit na ang pakiramdam n'ya. Gusto na n'yang alisin lahat ng putik na dumikit sa sa kanyang katawan.

Habang papunta roon ay may ipinagtataka na s'ya.

Bakit kaya wala akong nakasalubong maski isang kalaban? Naguguluhang tanong ni Clyde sa sarili.

.....

End of flashback

Habang masaya at abala sa paglilinis ng katawan, may nakamasid na mga mata sa kanya sa 'di kalayuan.

Mabagal at tahimik na lumapit ang mga ito sa kanya. Huli nang naramdaman ito ni Clyde. Direktang tinamaan si Clyde ng atake ng isa rito.

Nasaktan s'ya ng grabe. Ang maganda lang sa nangyari ay tumilansik s'ya palabas ng tubig kung saan nagmula ang atake. Agad s'yang nasuka sa amoy na tumama sa kanya. Uminom s'ya ng health potion at inamoy ang dumapo sa balat. Amoy panis na gatas.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now