Chapter 9, part 2 : Ang misteryosong masked hunter

1.2K 140 9
                                    

Dinala s'ya ng manager sa isang malaking kwarto. Ang bumungad sa kanya ay ang nakakapukaw-atensyong mga kulungan sa loob nito. Sa loob noon ay mga tao. Nakakulong sila ayon sa pagkakagrupo. Ang mga babae ay nakahiwalay sa mga lalaki. Ang matatanda ay nakabukod din. Meron ding isang bakanteng kulungan.

Lahat ng naroroon ay pawang nakasuot ng simpleng mga damit. Kulay puting mga sando at itim na shorts. Na maaari mong ihalintulad sa basahan dahil sa taglay nitong dungis.

May kabigatan din ang aura sa loob ng mga kulungan. Hindi maipagkakaila sa unang tingin na may mali sa lugar. Tila walang liwanag sa mga mata ng mga taong nakakulong. Na para bang nawalan na ang mga ito ng pag-asa.

Napakunot ang mata ni Clyde. Mas masahol pa iyon sa inaasahan n'ya. Sa pagkarinig n'ya pa lang ng salitang alipin ay nadismaya na s'ya. Pero sinubukan n'ya pa ring maging positibo. Inakala n'ya na dahil malayo na ang panahon sa middle ages, kahit papaano ay mabibigyan sila ng mas magandang pagtrato. Nagkamali s'ya. Sa dugyot na itsura ng kulungan at ng mga tao ay sigurado s'yang hindi tao ang turing sa kanila.

Nangangayayat pa ang ilan sa mga alipin. Naputol ang pag-iisip ni Clyde ng magsalita ang manager.

"Lahat ng mga 'yan ay for sale. You can choose anything you like, sir. Lahat ng mga 'yan ay mga hunter." May pagmamalaking turan ng manager.

Sumaglit na sinulyapan ni Clyde ang manager. Nagpipigil s'yang hindi saktan ang matabang babae. Hindi nakaligtas sa kanya ang pantukoy na ginamit sa mga tao sa likod ng mga rehas.

Iyan at anything, na para bang sinasabi nitong hindi mga tao ang mga alipin.

Sa saglit na pagsulyap n'yang 'yon, sa hindi malamang kadahilanan, nangilabot ang matabang manager. Napalinga-linga ang manager sa lugar upang hanapin ang dahilan ng pangingilabot. Pero wala itong nakita.
Winaksi na lang n'ya 'yon sa isipan n'ya. She is doing business right now.

"We have every type of hunter, sir. Melee roles, such as; tank, fighter or assassin. Range, such as; mage or marksman. We also have auxiliary types like healers. Name it, we have it." Pag-eenganya nitong magbenta kay Clyde.

"Sabi mo lahat sila ay mga hunters, tama ba? Does that mean na nagbebenta kayo ng normal na mga tao?" Tiim na tanong ni Clyde.

"Yes, sir. Each and everyone here are hunters. We never sell normal ones. Sa ibang black market pagbebenta sila. Pero not us. Unprofitable." Punong-puno ng ganang sagot ng manager. Hindi n'ya pansing sa bawat pagbuka ng bibig n'ya ay ang s'yang paglala ng galit na nararamdaman ng hunter.

"How much? At hanggang anong rank ang meron kayo?" Simpleng tanong ni Clyde.

"It depends sir. Rank E are nothing but fodders. 1 million pesos. Rank D and C are about 3 to 5 million. It varies from their abilities. As for our highest rank, rank B, 10 million pesos." Maagap na sagot ng kausap.

"How about that woman?" Turo ni Clyde sa isang babaeng hunter na nakahiga. Mukha itong nanlalata. At namamayat talaga. Nag-standout kasi ito ng talaga dahil kahit mahihina at malnourished ang karamihan, mas grabe ang lagay nito. Talaga namang nahabag ang hunter sa kanya.

"Uhm, sir. Aalisin na dapat 'yan. I don't think may magkakainteres pa sa isang 'yan." Nagdadalawang-isip na tugon ng manager.

"Why not?" Matabang tanong ni Clyde.

"Aside from its unhealthy state, that one ability is not up to par. That one is useless." Nahihiyang tugon into.

"Kung ganoon, saan s'ya dadalin?" Tanong ni Clyde.

"Dispose." Tipid na sagot ng manager.

"I'll buy her." Deklara ni Clyde.

"Ha?" Gulat na reaksyon ng manager.

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon