Chapter 25, part 2 : Dark Resurgence predicament

972 116 12
                                    

"Guys can I have your attention?" Umpisa ni Clyde.

Pinalibutan s'ya ng walong summons. Nag-aabang sa sasabihin ng kanilang master.

"Nagawa na natin ang halos lahat ng bagay, pero hindi pa rin n'yo nakukuha ang skill na boxing o anumang skills na maaaring makuha related dito."

Attentive na nakatanaw lang sa kanya ang walo.

"Maliban sa isa. Ang isang boxing match o ang kahit sparring man lang."

Napatango ang dalawa sa pinakamatalino sa grupo. Sina Walters at Talal.

Naintindihan agad nila ang tinutumbok ng kanilang master.

Samantala, si Uta at Yaniv naman ay walang kaide-ideya sa tinutukoy ni Clyde. Nakatagilid ang ulo ng dalawa. Blangko ang mga mukha at nakatitig sa pagmumukha ng Holymancer.

"As you can see wala kayong makakalaban sa mga tao rito. Hindi nila kayo kaya sa contest of strength. Mamatay sila kahit pitikin n'yo lang sila." Pagpapaliwanag ni Clyde sa dilemma nila.

"Kaya I suggest na kayong walo na lang ang maglaban-laban kung okay lang sa inyo." Suhesyon ni Clyde sa walo.

"I agree." Si Talal. "Although ayaw ko talagang makipaglaban. Let's do this para matapos na.

"Tama si Talal. At dahil hindi natin malalabanan si master gawa na rin ng system n'ya. Tayong walo lang ang pwedeng maglaban-laban." Si tandang Walters.

"Ang tanong, sino-sino ang maglalaban-laban?" Tanong ni Zigmund sa kanila.

"Mauuna ako. Talal maglaban tayo." Excited na pag-challenge ni Xerxes sa dudungo-dungong taong-lobo.

Palingon-lingon pa si Xerxes kay Lillith. Masyadong halatang sinusubukang i-impress ang dalagita na taong-lobo.

"Hindi ako interesado." Walang kagatol-gatol na tanggi nito.

Napabuntong-hininga si Talal.

"I just want to read a book." Bulong pa n'ya.

"Tsk!" Palatak ni Xerxes. "Duwag."

"Loko! Tingnan mo nga ang diprensya n'yo. Sa laki mong 'yan kapag nilabanan ka ni Talal nasa advatange s'ya. Sa reach at weight class." Pagdepensa ng lahat kay Talal.

Hindi sa ganoon 'yon. Pagsalunggat ni Talal sa argumento ng mga kasamahan sa isip n'ya.

Pero dahil maliban sa pag-aaral ng mga lenggwahe wala ng ibang interes ang dudungo-dungong taong-lobo, tinamad na itong liwanagin ang kanilang maling pagkakaintindi.

"Kahit sinong itapat n'yo sa'kin lalabanan ko. Wala akong kinatatakutan. Hindi ko aatrasan kahit na sino." Seryosong deklarasyon ng Muslim na si Javed.

"Woah! Ang tapang talaga kahit kelan." Napapailing na lang na sabi nila sa malupit na pahayag ng kasamahan.

"Tayo na lang ang maglaban Javed. Ano sa tingin mo?" Challenge ni Xerxes. Mukhang hindi pa rin sumusukong i-impress ang dalagitang kasamahan.

"Sige." Walang pag-aalinlangang pagtanggap nito ng challenge.

"Someone call FBI." Pabulong na sabi ng isang-taong lobo. Naalibadbaran na sa ginagawang pagpapapansin ni Xerxes kay Lillith.

"Teka may labanang magaganap?" In-sync na tanong ni Uta at Yaniv sa nga kasama.

Na-speechless sila Clyde sa sobrang pagiging slow bg dalawa.

"Bigyan n'yo kami ng rematch ni Yaniv." Desididong hayag ni Uta sa lahat.

"Oo nga." Segunda ni Yaniv.

Holymancer : Unang AklatKde žijí příběhy. Začni objevovat