Chapter 13, part 2 : Clyde's resolve

1.2K 140 20
                                    

Pagkarating sa loob ng bahay ni Mang Tiburcio, nahirapang lumapit si Clyde sa ataul na pinaglalagakan ng matanda.

Nang nagawa n'ya ng lapitan 'yon, 'di n'ya alam kung ano ang gagawin sa muling pagkakita sa sinapit ng matanda. Buto't-balat na si Mang Tiburcio. Nawawala rin ang mga mata nito mula sa kanyang eye socket.

Hinawakan ni Gaea sa braso ang kuya nang mapansin nitong nanginginig ang kapatid. Alam n'yang wala s'yang magagawa kundi damayan ito ng tahimik. Kahit ano pang mga salita ang sabihin n'ya, alam n'yang wala iyong magagawa. Malapit na kaibigan ng kapatid ang matanda. Isa pa, tulad n'ya, na-kidnap din ang matanda dahil kay Clyde. Sigurado s'yang higit sa pagkalungkot, posibleng sinisisi rin nito ang sarili sa nangyari.

Lingid sa kaalaman ng dalaga malayo ang iniisip ni Clyde sa palagay n'ya.

Kinuyom ni Clyde ang kamao. Seryosong tumingin sa bangkay ng matanda at nangako rito.

Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo manong.

Sa umpisa, naisip n'ya na kasalanan n'ya kung bakit namatay si Mang Tiburcio at nalagay sa panganib ang buhay ng kapatid. Kasi may ugnayan s'ya sa mga ito pero sa bandang huli napag-isip-isip n'yang mali 'yon. Ang tunay na may kasalanan ay ang masama at mapang-aping Dark Resurgence. Kaya naman pinangako n'ya sa sariling bubuwagin n'ya ang masamang guild na 'yon kahit na anumang mangyari, upang wala na silang muli pang mabiktima.

Makaraang tingnan ang bangkay ng matanda, pumunta s'ya sa barangay. Tumungo s'ya roon upang pasalamatan ang barangay captain na s'yang nag-asikaso sa burol ni Mang Tiburcio. Wala kasing kamag-anak ang matanda sa lugar at pawang mga kaibigan lang ang meron s'ya.

Sumapit ang dilim. May isang taong dumating ang 'di inaasahan ni Clyde. Ito ay ang chief inspector ng hunter association, si Joseph Dimaunahan. Kumunot ang noo ni Clyde.

Ano kayang sadya ng isang chief inspector ng asusasyon sa burol ni Mang Tiburcio? Tahimik na agam-agam ni Clyde.

Tumungo ito sa kinaroroonan nina Clyde.

"Mr. Rosario nabalitaan kong namatay ang ama-amahan mo kagabi dahil sa kagagawan ng Dark Resurgence. Nakikiramay ako in behalf of the hunter association." Pambungad ni Joseph.

Tinanggap naman ni Clyde ang pakikiramay nito. Hindi rin nakalampas sa kanya ang nakatagong pahiwatig sa sinabi ng chief inspector.

Matapos noon binati ni Joseph si Jake.

Sinundan 'yon ng pag-agapay ni Clyde sa pagtingin kay Mang Tiburcio ni Joseph.

Nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa buhay ni Mang Tiburcio.

"Angel! Sino 'yong naka-Amerkana na kausap ni Clyde? Mukhang bigatin. Maraming kasamang bodyguards." Kuryosong pang-uusisa ng isang lalaking naglalaro rin ng boleche tulad nina Angel at Jake.

Simpleng nakinig at napalingon pa ang ibang nagboboleche sa isasagot ng dalaga.

Kilala ng iba sa lugar si Angel. Years ago, madalas s'ya rito kasama si Clyde.

Inilipat ni Angel ang tingin sa likuran ng dalawang hunters na kita mula sa labas ng bahay.

Maayos na nag-uusap ang dalawang hunters na may magkasalunggat na estado na para bang magkaibigan lang sila.

Ang una ay isang minamaliit na rank E hunter na walang kinabibilangan.

Ang huli ay isang hunter ng prestiyosong estado. Nabibilang sa nangungunang pangkat sa magulong hunter age. Ngunit hindi lang ito basta-basta kasapi ng prestiyosong hunter association. Isa ito sa matataas na opisyal.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now